Chapter 4- Unknown Truth

1K 63 47
                                    

Itinulak ni Jairus si Xandre at nabangga sa upuan si Xandre na dahilan ng pagtuon ng pansin ng mga nasa canteen sa kanilang dalawa. Napansin ko ang pagtikom ng kamao ni Jairus at ang paggalaw ng panga nito na 'di mapagkakailang galit siya. Bago pa man makaabante si Jairus ay biglang umatras si Xandre sabay talikod, at humakbang ito papalayo sa amin. Inakbayan siya ng isa sa mga kasama niyang lalaki habang pailing-iling na lang siya.

Sa tagpong ito, ipinagtataka ko kung bakit hindi niya pinatulan si Jairus, dahil ba sa maraming tao ang nakakakita? Napatingin na lang ako sa kanilang grupo, tinapik siya ng mga kasama niya na halatang dismayado sa nangyari.

Bigla akobg natauhan nang mapansin kong nakatingin pa rin sa amin ni Jairus ang mga tao sa canteen.

Ano ba yan, kasama na naman ako sa kaguluhang ito, buti na lang at walang nakaka-kilala sa akin . Naiinis kong bulong sa sarili ko.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Jairus, ipinatong ko ang palad ko sa kanyang balikat,  "are you okay?" nag-aalalang tanong ko.

Tumango siya, at kinuha ang bag sa ibabaw ng mesa.

"Let's go?" tanong niya.

"Yeah let's go," walang pag-aalinlangang sagot ko. Natutula ako sa ginawa niya pero karapat-dapat lang 'yon kay Xandre. Akala niya walang maglalakas loob na patulan siya. Mukha niya!

Hindi ko akalain na ang isang tulad ni Jairus, na tahimik at kung titignan mo ay parang walang pakialam sa paligid niya ay may kakayahan palang paatrasin si Xandre na sobrang yabang. Humanga ako sa ginawa niyang pagtatanggol sa akin at pagtaboy kay Xandre. Hindi kaya nasa loob din ang kulo nito?  Hindi ko na lang pinansin ang katanungang nabuo sa akong isip.

Lumabas kami ng canteen, "Are you sure, you're okay?" tanong ko kay Jairus habang naglalakad kami sa hallway.

"Yeah, don't bother yourself," nakangiti niyang sabi. Hindi ko maiwasang mapahanga sa napakaputi niyang ngipin, pati tuloy ako ay napangiti. Tila kung may anong kiliti ang naramdaman ko sa matamis na ngiting iyon ni Jairus.

Ngumiti ako, "well, napahanga ako sa ginawa mo." Tinapik ko siya sa balikat at bakit ko ginawa 'yon ay di ko rin alam. Sadyang appreciative lang siguro ako.

"Pwede bang sa labas na lang tayo mag-snacks?" yaya ni Jairus na sadyang iniba niya ang usapan.

Hindi pa man ako nakakasagot kay Jairus ay muntik na akong mapasigaw sa gulat nang biglang may umakbay sa akin sa likuran, napaikot ako. Umalingaw-ngaw na lang ang malakas na tawa ni Anika.

"Anika!" napalakas yata ang tawag ko sa pangalan niya. Nag-sitinginan kasi 'yong mga estudyanteng nakakasalubong namin.

"Saan ka pupunta, ha?" nang-aasar niyang tanong. Natameme ako, 'di ko alam ang isasagot ko. Saan nga ba kami pupunta ni Jairu? Biglang ibinaling ni Anika ang tingin niya kay Jairus.

"Ahem...kaya pala hindi ka nagpaparamdam." Panunukso niya. Bumulong siya, "ipakilala mo naman ako sa kanya," at kunwaring inayos ang mahaba niyang buhok habang nakatitig siya kay Jairus.

Napangiti na lang si Jairus sa expression ng mukha ni Anika.

"Okay, fine! Jairus, this is my beast-friend, Anika." nagpipigil tawa kong sabi. Pinukpok ako ni Anika ng napakalakas sa balikat sa pakakasabi ko ng beast.

"Ouch!"

Tahimik namang natatawa si Jairus.

"Ang sabihin mo, your only-friend," pasarkastikong sabi ni Anika.

"Hindi naman," nagpout ako. Sabay tawa nilang dalawa.

Inabot ni Jairus ang kamay niya kay Anika, "I'm Jairus Milan Samonte," nakangiting sabi niya.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon