Chapter 130:

27 1 0
                                    

ANDREW SY POV:)

***FLASHBACKS***

Pagkalabas nito ng kwarto ni mama, agad ko itong sinalubong.

"Bakit pinapunta ka ni mama? Pinapaalis kana ba niya?" Tanong ko.

Ito na kasi ang huling araw na magtatrabaho siya sa mansyon.

Hinila niya ako at palihim na pumunta sa dulo, kung saan malayo sa kwarto ni mama.

Nakangiting umiling siya."Makakasama na kita ng matagal,"

Natigilan naman ako sa sinabi nito."A-ano?" Bigla naman ako nakaramdam ng kakaiba. S-sinabi na ba niya kay mama ang relasyon naming dalawa?

Habang hinihintay kong may lumabas sa bibig nito, grabe din naman pagbilis ng tibok ng puso ko. Umaasa ako...u-umaasa ako na totoo na itong tumatakbo sa isip ko.

"Hindi na ako aalis dito, magtatrabaho na ko dito ng matagal mula ngayon." Nakangiting sagot nito.

"A---?" hindi ko natuloy ang sasabihin ko pa nang agad akong niyakap ni Clara.

"Hindi na ako aalis sa piling mo, Drew." Madamdaming dagdag nito.

Kahit iba man ang nais kong malaman na balita, masaya na rin ako dahil hindi na siya aalis dito. Masaya pa rin ako dahil magkasama pa rin kaming dalawa.

"Señorito! Señorito Cedric!"

Agad naman kaming napahiwalay ni Clara sa pagyayakapan nang makarinig ng nahulog na bagay malapit sa amin. Nanlaki mata na lamang ako nang makita si...

Napahawak sa bibig si Clara nang makilala ito. Hindi pa niya ito nakikita sa personal pero nakilala niya agad ang kapatid ko dahil nagkalat ang litrato nito sa pamamahay.

Kunot-noong nakatingin si Cedric sa amin. Maya-maya pa, sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi nito nang tumingin siya sa akin. Nakaramdam naman ako ng kakaiba sa ngiti niyang iyon.

Unang pumasok sa utak ko nang oras iyon ay, "Balak ba niya kaming isumbong kila mama at papa?"

Ngayon ko lang naalala na ngayon uuwi ang kapatid ko mula abroad.

Dumating naman ang assistant ni papa na agad namang nagkunyaring may ginagawa sa likuran si Clara. Pagkalapit nito sa kapatid ko, nakita naman nito ang basag na vase sa sahig.

"Señorito, pumunta ka muna raw sa papa n'yo. Gusto ka raw niya makausap." Baling nito sa kapatid ko.

Nakangiti pa ring nakakaloko na sumagot siya.

"Sige," pagkasagot tumalikod na siya para umalis.

"Hoy! Linisin mo 'to!" Utos ng assistant ni papa nang makita si Clara.

"O-opo!" Mabilis naman lumuhod siya.

"Siguraduhin mong malinisan mo nang mabuti, baka mabubog si Senyora."

"Opo!"

*////

Rinig sa hapag-kainan ang bawat ingay ng mga kubyertos sa plato. Tahimik lamang akong kumakain at hinahayaan lamang sila mag-usap.

"Hindi ko inaasahan na uuwi ka anak. Ang sabi mo sa akin, hindi ka makakauwi kaya nagtampo talaga ako sa'yo kahapon." Turan ni mama.

Tumawa naman bahagya ang kapatid ko."Sabi kasi ni papa na i-prank kita e,"

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon