LUCAS' POV
"Ehem... Ehem..." pagpaparamdam ko dito sa dalawang walang pakialam sa mundo.
SPG 'to mga brad! Pang-barney lang ang mga mata ko!
Sobrang nabigla ako sa ginawa ni Princess dahil talagang sya pa yung unang humalik. Hindi ko akalaing mabangis pala itong kapatid ko! Kanino kaya 'to nagmana?
"Ehem! Ehem!" nilakasan ko na para mapansin nila ako. Langya! Eh sarap na sarap pa din eh!
"Haaaaaaaaaay!" napahilamos nalang ako ng gwapong mukha dahil wa-epek yung ginagawa kong pagpapapansin.
Nagmistulan ako ditong isang gwapong pari na nagsabi ng "You may now kiss the bride" tapos naghalikan na sa harapan ko.
Ay mali pala! Dapat "You may now kiss the groom" si Princess ang nanunggab eh.
Sa wakas at natapos na rin ang kissing scene. Pero hindi parin nila ako nililingon dahil hingal na hingal sila tapos nagtititigan pa.
Maya-maya'y nakita ko na yung mukha naman ni Silver ang papalapit ng papalapit sa mukha ng kapatid ko at gusto pa yata ng round two sa kissing scene nila.
Hindi na ako makakapayag na snobin pa nila ang kagwapuhan ko dito kaya bago pa ulit sila maghalikan ay iniharang ko na ang isang kamay ko sa mga labi nilang magdidikit nanaman.
"Tama na yan!" pigil ko.
"K-k-kuya L-Lucas, kanina ka pa dyan?" gulat na gulat na tanong ni Princess. So ibig sabihin, ang alam nya ay walang nakakakita sa ginagawa nila? Hahaha nagkakamali ang wild baby sister ko.
"Kaninang kaninang kaninang kanina pa, aking wild baby sister." sagot ko habang nakangiti ng malapad.
"Waaaaaah kuya Lucas! Mali yung nakita mo! Mali!" tumalon-talon si Princess sa harapan ko at tinatakpan-takpan pa ang mga mata ko.
"Princess, dapat kanina mo pa yan tinakpan! Wa-epek na yan kung ngayon mo palang tatakpan! Hahahaha!" ang epic din minsang nitong kapatid ko.
"Kuya Lucas naman kasi! Dapat umalis ka nalang! Alam mo ba yung privacy?!" aba aba! May privacy privacy pang nalalaman!
"Kung gusto nyo ng privacy, bakit hindi nyo yun sa kwarto ginawa?!"
Tumatawa-tawa pa ako nang ma-realize ko kung ano yung sinabi ko. Tumigil ako sa pagtawa at agad na binawi ang sinabi ko.
"Hoy kayong dalawa!" tinuro ko si Princess tapos si Silver.
"Wag na wag nyong susubukan na maghalikan sa kwarto kung ayaw nyong malintikan!" sermon ko.
Lumapit ako kay Silver at tinitigan mata sa mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/11614627-288-k540644.jpg)
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...