ICY's POV
"MISS GUZMAN, MISS SANCHEZ, AND MISS YOUNG!!! HUWAG NYONG TAKASAN ANG COMMUNITY SERVICE!! NASAAN NA BA KAYO?!!"galit na galit na sigaw nung teacher na coordinator din ng student council tapos ay muli nyang inihampas ng malakas yung stick nya doon sa isang table.
Ang mataba, malaki, at napakataray na teacher na isa ring student council coordinator na palaging may dala-dalang napakalaki at napakahabang stick ay walang iba kundi si...
MS. TINY! Ang astig ng pangalan ano po? Match na match sa itsura. (insert sarcasm)
Natahimik ang lahat. Nakakatakot naman kasi talaga si Ms. Tiny.
Hmm..kaya naman pala nagtatago yung tatlong bruhang babae dahil tinakasan pala nila yung pag-cocommunity service. Nakita ko yung tatlo na yan kaninang umaga na kasama sa nakapila doon sa mga late students. Kapag kasi late, kailangang magcommunity service as a punishment, isa yan sa mga rules dito sa school. Bakit sila na-late? Ewan ko, wala din akong balak alamin kasi wala naman akong pakialam sa kanila.
"AT IKAW NAMAN MR. ELVENOS, BAKIT KITA NADATNANG SUMISIGAW?! MAY PROBLEMA BA?!" pinanlakihan ng mata ni Ms. Tiny si Vester.
Natulala at namutla si Vester sa takot. Naghysterical ba naman kasi matapos nilang magyakapan ni Silver?! Alam ko naman na gusto nyang mayakap na sya ng kuya nya, tapos aarte sya ng ganun. Hay nako Vester, ang gulo mo. Ano ba kasi ang pinaplano mo?
Nabigla ako nang pumagitna si Silver doon kay Ms. Tiny at sa tulalang si Vester. Nakatalikod sya kay Vester at nakaharap naman doon kay Ms.Tiny ng may blangkong pagmumukha.
"IKAW MR. CEFLANDO, BAKIT MO HINAHARANGAN SI MR. ELVENOS?! KINAKAUSAP KO PA SYA!" sigaw ni Ms. Tiny kay Silver pero itong si Silver ay parang hindi manlang natakot. Nanatili lang blangko yung emosyon ng pagmumukha nya.
"Nandoon po ang hinahanap nyo."malamig na sabi ni Silver doon kay Ms. Tiny sabay turo doon sa lugar na kinalalagyan nila Cass, Mandy, at Kris.
"Bi, ang sweet naman ni Silver, ipinagtanggol nya yung kapatid nya." bulong ni Megan sa akin.
Napapangiti nalang ako dahil alam kong hindi magtatagal, ay magkakaayos na talaga yung dalawa.
Matalim munang tinignan ni Ms. Tiny si Silver, pero itong si Silver ay nananatiling blangko lang ang pagmumukha.
Tumalikod na kay Silver si Ms. Tiny at pumunta doon sa lugar na itinuro ni Silver.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...