MEGAN's POV
"Napaka immature mo talaga, Duck Lucas ka!" inis na sabi ko pagkatapos ay diniinan ko yung yelo na nakabalot ng tela doon sa gilid ng labi nyang nasuntok ni kuya Trion.
"Araaaay! Ang sakit!" reklamo nya.
"Ako na nga! Sinasaktan mo lang ako eh!" sabi ulit nya sabay kuha nung yelo na nasa kamay ko. Pumunta ako sa harapan nya at nag-pameywang.
"Ayan ang napapala ng mga immature! Umayos ka nga Lucas!" para tuloy syang bata na napapagalitan ng nanay.
"Tsk! Oo na, immature na." pagsuko nya habang sya na ang naglalagay ng yelo doon sa gilid ng labi nyang nasuntok ni kuya Trion.
"Hay nako Lucas! Umayos-ayos ka nga! Pare-pareho tayo ditong nag-aalala sa kalagayan nina bi. At sa tingin mo ba sa iniasta mo kanina, makakatulong ka para maging maayos ang lahat?!" this time, pinapagalitan ko na talaga sya. Pinapagalitan ko itong loko-loko kong boyfriend na mas matanda pa sa akin ng isang taon.
Umiling lang sya bilang sagot.
"Oh eh yun naman pala eh! Kaya wag na wag mong sisisihin si kuya Trion kung bakit ka ngayon may bangas dyan sa gilid ng labi mo ha?! Ginawa lang nya yun para tumigil ka!" hay nako! Hi-high bloodin ako dito eh!
"Sorry na, Meganphone ko. Wag ka nang magalit." mahinahon na sabi nya. Mabuti nalang at hindi na sya katulad ng dati, dahil kung hindi ay mauuwi kami nito sa away at bangayan.
"Sobra lang kasi akong nag-aalala kina Princess. Alam mo naman na mahal na mahal ko ang kapatid kong yun eh. Sobrang sakit lang na malaman na may taning na pala yung buhay nya. Hindi ko matanggap." kahit naman ako ay hindi ko rin yun matanggap at hinding-hindi ko talaga yun matatanggap.
"A-ano ka ba Duck?! W-walang taning yung buhay ni bi noh! Mahaba pa yung buhay nya. Mahabang-mahaba." hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Iniisip ko palang ang mga posibleng mangyari kay bi, naiiyak na ako.
"Oo. T-tama ka, Meganphone. Mahabang-mahaba pa ang buhay ni Princess. Nagsisinungaling lang yung doctor na nakausap ni mommy." pinahid nya ang mga luhang dumadaloy sa pisngi nya. Kitang-kita lang talaga kung gaano nya kamahal si bi.
"Tara. Bumalik na tayo sa ospital." pag-aaya ni Lucas pagkatapos ay tumayo na sya mula sa bench.
Nandito kami sa isang park na wala namang katao-tao kundi kami lang. Malapit lang ito doon sa ospital. Mayroong malapit na tindahan dito kaya naibili ko sya ng yelo para doon sa gilid ng labi nyang nasuntok ni kuya Trion.
"Teka lang Duck, baka magwala ka nanaman at magtangkang bugbugin yung doctor?" mabuti na yung nakakasigurado. Baka kasi umiral nanaman ang pagiging immature nya eh.
"Hindi na. Gusto ko lang hintayin ang paggising ni Princess pati na din ni Silver." mukhang okay na ang pag-iisip ni Lucas at pareho din kami ng gusto kaya naglakad na kami pabalik sa ospital.
LUCAS' POV
Alam ko naman na mali yung iniasta ko kanina at hindi din ako galit kay kuya Trion sa ginawa nyang pagsuntok sa akin kanina. Naintindihan ko naman ang matandang yun kung bakit nya yun ginawa.
"Kuya Trion!" speaking of matanda, bigla syang tinawag ng Meganphone ko.
"Kuya! Saan kayo pupunta?!" pasigaw pa na tanong ni Meganphone.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomantikSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...