12th Chapter "Favor"

9.5K 331 39
                                    

ICY's POV

"Princess, ano bang nangyari?"

"Princess magsalita ka naman ohh.."

"Princess, may problema ba? sabihin mo sa amin..."

Hindi ko alam kung pang-ilang mga tanong na yan ng mga kuya ko.
Mula kasi nung dumating ako dito sa bahay ay tulala na ako..

Sinamahan ako nina Megan at Silver hanggang sa makapasok ako dito sa bahay. Tinanong sila ng mga kuya ko, pero ang sinabi lang nila ay mas mabuti kung ako nalang ang magsabi, pagkatapos nun ay umalis na sila.

Napagtanto ko na napakabait pala ni Silver, kaya hindi ko pagsisisihan na nakipagkaibigan ako sa kanya..

Hindi maalis-alis sa isip ko si Lady in Black. Sino ba talaga sya?

"M-mga k-kuya, natatakot ako.." malungkot kong sabi tapos tumungo ako, feeling ko ay maiiyak na ako..

Inaamin ko na isa akong suplada, masungit, at may pagka-amazona nga daw sabi ng mga kuya ko, but to tell you the truth, mahina ako, madali akong panghinaan ng loob at makaramdam ng matakot..

Pagkasabi ko nun ay kinuha ko yung bag ko at kinuha ko sa loob yung itim na papel mula kay lady in black..

"Here.." sabi ko habang inaabot ko yung papel sa kanila..

Kinuha naman ito ni kuya Trion..

Iniangat ko ang aking nakatungong ulo at tinignan si kuya Trion na binabasa yung nasa papel...

"Princess, saan mo ito nakuha?" tanong ni kuya Trion..

"K-kuya, nakita ko yan na nahulog mula sa locker ko kanina.." sagot ko tapos umiling-iling si kuya Trion..

"Simula bukas, ako na ang maghahatid sundo sa inyo Princess.." ma-awtoridad na sabi ni kuya Trion..

"P-pero kuya, diba nagtratrabaho ka na? kaya wag nalang, alam kong masyado kang busy.." tutol ko..

"Princess kahit na. Ang sinabi ko ay sinabi ko.." sabi ulit ni kuya Trion..

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon