MEGAN's POV
10:50 na ng gabi. Nakahiga na ako dito sa kama habang nagpapa-antok sa pamamagitan ng pagbabasa sa wattpad dito sa phone ko.
"Pssst!"
Hala! sino yung sumitsit? Baka naman guni-guni ko lang yun. Mabuti pang wag ko nalang pansinin, nakakagulo lang dito sa binabasa ko.
"Pssst!"
Hay, sana mahanap na ng ninja yung halimaw.
"Pssst!"
Ayan, sa wakas at malapit nang mahanap ng ninja yung halimaw. Patay ka ngayong halimaw ka! Whahaha.
"Pssst!"
Argrr! Nakakagulo na talaga ang sitsit na yan dito sa binabasa ko. Bumaba ako sa kama at naglakad papuntang labas ng kwarto ko, nakabuka yung pinto ng kwarto ko kaya nagdire-diretso nalang ako papalabas.
"AY! HALIMAW!!" sigaw ko nang gulatin ako ng halimaw este ni Lucas pala na nakatayo sa gilid ng labas ng kwarto ko.
"Ang gwapo ko naman para maging halimaw." sabi ni Lucas. Teka, bakit ba nandito ang ugok na 'to sa ganitong oras?
"Bakit ka ba nandito?!" tanong ko sa kanya tapos inirapan ko sya at tinalikuran na at bumalik sa loob ng kwarto ko at humiga ulit sa kama, naramdaman ko na sumunod sya dito sa loob.
Tumabi si Lucas sa akin pero nakaupo lang sya at nakasandal sa headboard ng kama. "Hindi kasi ako makatulog kaya lumabas muna ako ng bahay tapos nakita kong bukas nanaman yung gate at pinto mo kaya naisipan kong guluhin ka. Bwahahaha!" sa susunod talaga ay magsasara na ako. Tinatamad kasi akong bumaba kaya napapabayaan ko nalang na nakabukas yung mga pinto sa baba.
"Gabi na. Umuwi ka na." sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya kasi pinapagpatuloy ko na yung pagbabasa ko.
"Ayoko nga. Masyadong tahimik sa amin. Ako lang ang nag-iingay." sabi nya habang nilalaro-laro yung isang unan.
"Kung tahimik sa inyo, mas tahimik dito. Kita mo namang mag-isa lang ako." sabi ko habang patuloy paring nagbabasa.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...