XENA's POV
Palabas na ako ngayon ng bahay. Kailangan kong puntahan si Trion dahil may kailangan syang malaman.
Nang makalabas na ako ay nakita ko ang kotse ni Trion na nakatigil sa tapat ng bahay namin. Nakababa naman yung bintana kaya nakita ko sya agad. Nilapitan ko sya.
"Trion.." tawag ko. Nakaramdam ako ng konting kaba. Matutuwa kaya sya kapag sinabi ko?
Tumingin agad sa akin si Trion matapos kong magsalita. Nakita kong napaka-seryoso ng pagmumukha nya. Bakit kaya?
"Sakay." sabi ni Trion pagkatapos ay ini-start na nya yung kotse.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko naman.
"Basta. Sumakay ka nalang." bakit ang lamig ng pakikitungo sa akin ni Trion? Galit ba sya?
"Galit ka ba Trion?" tanong ko.
"Tsk! Sasakay ka ba o hindi?! Nasasayang ang oras Xena!" tinaasan na ako ng boses ni Trion kaya napaatras ako ng konti. Bakit sya ganito? Galit ba sya sa akin dahil nagalit ako sa kanya noong isang araw ng dahil sa isang mababaw na dahilan?
"Bakit ka ganyan Trion? G-galit ka ba sa akin?" natatakot na tanong ko. Iba kasi talaga ang pakikitungo nya sa akin ngayon.
"Xena, ang dami mo pang satsat dyan eh! Mahirap bang intindihin ang sumakay ka na?!" tinaasan nanaman nya ako ng boses. Trion naman, wag ganito.
"S-sorry Trion. Sige, sasakay na ako." pagkatapos ay sumakay na nga ako tulad ng gusto nya.
Hindi na nagsalita si Trion nang makasakay ako. Umalis nalang kami at hindi ko alam kung saan ba kami pupunta.
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi parin ako iniimikan ni Trion, seryoso lang syang nagmamaneho. Hindi naman sya ganito dati eh. Sa tuwing nasa mga ganitong oras kami ay ang daldal-daldal nya at kung anu-anong mga kakornihan ang sinasabi. Pero ngayon, bakit ganito? Bakit ang lamig nya sa akin?
"*sniff* *sniff*" naiiyak ako kasi nalulungkot na ako. Bakit biglang ganito si Trion? Hindi na ba nya ako mahal? Hindi pwede yun.
Hindi ko na talaga mapigilan kaya tuluyan na akong umiyak. Ayokong ganito kami eh, baka maghiwalay nanaman kami. Ayoko. Hindi pwede, lalong-lalo na ngayon.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomantikSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)