4th Chapter "First Conversation"

15K 426 35
                                    

SILVER's POV

Tatlong buwan na ang nakalilipas simula nang magsimula ang school days. So far, okay lang naman ako. Maraming nag-aattempt na kausapin ako at makipagkaibigan sa akin pero hindi ako interesado. I'm contented and independent enough with just myself so there's no need for me to entertain others. Nakakainis at nakakaistorbo lang sila.

"Okay class, magkakaroon kayo ng activity na related sa lesson natin ngayon..." Nagsalita na si Ms. Song, yung Music teacher namin. Related sa lesson namin? Well, our lesson is all about musical theatre so what kind of activity?

"I have grouped you into-twos so I already have my list here kung sinu-sino ang mga magiging magkapartner. I based your partners sa similarities na nakikita kong mga personalities niyo para madali kayong magkakasundo sa magiging plano niyo para sa activity na ito." Pagpapatuloy ni Ms. Song. Wait, she grouped us into-twos?!

"I will announce first kung sinu-sino ang mga magkakapartner then I will tell you what you will do together in this activity, okay?" Nakangiting sabi ni Ms. Song. Tsk! Pinatong ko ang mga braso ko sa mesa at sinubsob ang ulo ko doon. Can't we just do that activity individually?! Bakit may partner pa?!

Narinig kong nagsimula nang i-announce ni Ms. Song yung mga apelyido ng magkakapartner hanggang sa...

"Ms. Regina and Mr. Baroque, Ms. Vance and Mr. Paxley, Ms. Dalton and Mr. Yi, and then lastly..."

"... Ms. Montrey and Mr. Ceflando." Naghiyawan ang mga kaklase ko nang banggitin na ni Ms. Song yung huling pair. Tss, I really hate this kind of environment. Yung maingay.

Wait.. sino?

Itinaas ko na ang ulo ko at tumingin kay Ms. Song. Nakita kong nakatingin siya sa akin at nakangiti.

"Yes, Mr. Ceflando, you heard me right. Makakapartner mo si Ms. Montrey." Nakangiting sabi sa akin ni  Ms. Song pero pakiramdam ko may halong pang-aasar yung mga ngiti ng teacher na ito. Tsk.

"OMG! I'm so excited!!!" Sigaw nung Megan habang pumapalakpak pa. Weird.

ICY's POV

Magkatabi na kami ngayon nitong Silver ng upuan dahil inarrange ni Ms. Song yung seats namin sa kung saan magiging magkatabi yung mag-pair na ginawa niya sa whatever activity na yan na ipapagawa sa amin. At ito na rin daw ang magiging permanent seat namin sa Music class namin. I sighed and crossed my arms then tinignan ko itong katabi ko. Nakasubsob lang yung ulo niya sa table, natutulog na yata.

"Okay class, ngayon na katabi niyo na ang mga partners nyo, pwede niyo na pag-usapan ang gagawin niyo sa activity natin." I raised my hand matapos magsalita ni Ms. Song.

"Yes, Ms. Montrey?"

"Can I just do this activity individually?" I asked. Para naman kasi wala sa mood itong ipinair sa akin ni Ms. Song.

"No, you can't, Ms. Montrey. You have to do it with Mr. Ceflando." Sagot sa akin ni Ms. Song. Medyo nakakaramdam na ako ng inis kasi para namang walang kwenta itong ipinartner sa akin.

"Then can I just not do it?" Kung ganito lang din magiging kapartner ko, edi wag nalang at wala rin naman mangyayari sa amin.

"Hmm.. It's your choice, Ms. Montrey, if you want to fail on this subject. Because this activity is also considered as your performance task which exquivalents to 50% of your grade." Paliwanag ni Ms. Song. I don't want to fail so I think, I really don't have a choice.

"Alright, Ms. Song. I'm sorry. I'll just so it." Tumingin ako dito sa katabi ko at hindi parin nagbabago yung posisyon niya. "We'll do it." But how?

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon