ICY's POV
"Hey! Wag kayong magtatangkang sabihin doon sa baboy na teacher na yun na nandito kami huh!" teka, parang boses yung ni Cass ah.
"Yeah right! Don't you dare move dahil makikita kami! Harangan nyo lang kami hangga't hinahanap pa kami nyang stupid piggy teacher!" at parang boses naman yun ni Mandy.
"Yeah! Or else you three trashes are surely dead!" parang boses naman ni Kris.
"Bi, tingin ka sa kaliwa mo." bulong sa akin ng katabi kong si Megan. Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain.
Tumingin naman ako sa kaliwa ko at nakita ko nga sila Cass, Mandy, at Kris na magkakatabing nakaupo dito sa katabi naming table tapos may katapat silang tatlong babaeng estudyanteng nakaupo rin doon sa same table. So sa kanila nga talaga yung mga boses na naririnig ko at yung tatlong babae siguro yung kinakausap nila. Yung itsura nila Cass, Mandy, at Kris, parang may pinagtataguan.
"S-sige po. H-huwag po k-kayong m-mag-alala." nagiginig na sabi nung isa sa mga babaeng katapat nila. Hindi makakain ng ayos yung tatlong babae na katapat nina Cass, Mandy, at Kris, tapos nanginginig pa yung mga kamay nila kaya hindi nila mahawakan ng ayos yung kutsara at tinidor.
"Grabe! Mga wala talaga silang puso!" inis na sabi ni Megan.
"Tsk! Wag nalang natin pansinin bi, kumain nalang tayo." sabi ko. Wala akong panahon sa tatlong bruha na yan, atsaka mukhang hindi naman nila ako napapansin dito kasi naka-focus sila sa pagtatago.
"Hay nako bi! Ayan ka nanaman sa line mong 'Wag nalang natin pansinin'! Sawang-sawa na akong marinig yan sayo! Alam mo ba yun?! Psh." lalong nainis yung pagmumukha ni Megan tapos inirapan pa ako.
"Eh ano ba ang gusto mong sabihin ko? Na kawawain natin sila, na pagtripan natin sila?! Ayun ba ang gusto mong sabihin ko bi huh?!" haist! Naiinis na din ako!
Humarap sa akin si bi na may kakaibang ngiti.
"Exactly bi. Those words are the words that I want to hear from you." sabi sa akin ni Megan na may kakaibang ngiti parin.
"Hoy Megan, nag-aaksaya ka lang ng oras para dyan sa tatlong yan tapos idadamay mo pa si Icy. Kung gusto mong mag-aksaya ng oras, wag mong idamay si Icy dahil masasayang din ang ang oras nya." sabi ni Silver. Hindi ko pala nasabi na kasama namin si Silver, magkatapat kami.
"Oo nga naman Megan, atsaka sa akin lang dapat ang oras ni my beautiful Icy." sabi ni Vester. Kasama din namin sya at magkatabi sila ni Silver, hindi naman nagreklamo si Silver nang tabihan sya ni Vester.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomansaSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)