ICY's POV
"Hi Princess!" tinignan ko lang sya at hindi pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa paghihintay ng taxi. Yes taxi, mag-cocommute ako pauwi. Ayokong sumabay kay Silver.
Gusto ko sanang magpasundo nalang kina kuya kaso wala nga pala akong cellphone para ma-contact sila, natapon ko gawa ni Silver. Bwisit talaga.
Isa pa 'tong si bi! Palagi nalang syang nauunang umalis. Kaya no choice ako ngayon kundi ang mag-commute.
"Haha type na type talaga kita!" tsk! Mas lalo akong nabwibwisit sa lalaking 'to eh! Ano naman kung type na type nya ako?! Pakialam ko sa kanya?! At dahil dyan ay nilingon ko sya at binigyan ng masamang tingin.
"Princess, nakaka-inlove talaga ang mga tingin mo." sabi nya sabay kindat kaya inirapan ko sya. Sira ulo pala ang isang 'to eh! Kailan pa naging kainlove-inlove ang isang masamang tingin?!
"Tsk! Ang tagal naman!" sabi nya. Bahala syang magsalita ng magsalita dyan.
Bakit parang wala akong taxi na nakikita?! Gustong-gusto ko nang umuwi!
"Ito na po Master Angelo." Master Angelo? Well I guess katulong nya yun. Teka, parang may kaboses yung katulong nya ah? But nevermind, wala akong pakialam.
"Hawakan nyo muna ang mga yan. Wala pa ang service ko." sagot nya sa katulong nya. May pagkaarte din ang lalaking 'to.
"Bakit mo sya kasama?!" automatic akong napalingon doon sa nagsalita dahil nakarinig pa ako ng isang familiar na boses. At hindi nga ako nagkakamali...
"Ganyan mo ba tratuhin ang master mo? Atsaka gawain ba yan ng isang slave? Wala kang pakialam kung kasama ko dito si Princess. Bakit? Naiinggit ka?" sagot nya kay Kris! Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Tumungo si Kris at sinabing...
"Sorry po master." literal akong napanganga. Paano ito nagawa ni Angelo? Ginawa nya talagang mga slaves sina Kris, Mandy, at Cass. May hawak-hawak na madaming libro si Kris, may hawak na nakatiklop na payong si Mandy, habang si Cass naman ay hawak-hawak yung bag ni Angelo.
"Princess, ang ganda mo parin kahit nakanganga ka." sabi ni Angelo kaya agad kong isinara ang bibig ko. Yung tatlo naman, ang sama na ng tingin sa akin. Akala ba nila ay masisindak ako sa mga tingin nila? Mas masama pa nga akong tumingin kaysa sa kanila eh.
Maya-maya ay biglang uminit ang sikat ng araw, wala parin akong taxi na masakyan! Hay parang nananadya naman eh!
![](https://img.wattpad.com/cover/11614627-288-k540644.jpg)
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...