22nd Chapter "Gusto Kita"

7.6K 265 7
                                        

SILVER's POV

"Wag kang magtangkang lapitan ako, Da---AHHHH!" natanggal ko agad yung hood na nakatakip sa ulo ni lady in black.

Pero agad syang tumalikod at tinakpan ng kamay ang mukha nya. Kaya hindi ko parin nakikita ang mukha ng babaeng 'to.

"Hoy! humarap ka!" tapos pilit ko syang pinapaharap pero panay parin ang talikod nya at ang pagtakip nya sa kanyang mukha.

"Sige! subukan mo pang lumapit! papatayin kita!" agad naman akong napalayo dahil bigla nya akong tinutukan ng kutsilyo na naggaling yata sa bulsa nya.

Sinabi nya ito nang hindi pinapakita ang kanyang mukha, nakayuko sya habang tinatakpan ng isang kamay nya ang kanyang mukha habang yung isang kamay naman nya ay nakahawak ng kutsilyo na ngayon ay nakatutok sa akin.

Saglit syang tumalikod at ibinalik sa ulo nya yung hood na tumatakip sa kanyang mukha tapos humarap ulit sya dito.

"Seryoso ako! wag kang lalapit kung ayaw mong mamatay!" sigaw sa akin ni lady in black habang umaatras sya papalayo sa akin.

"Dyan ka lang, dyan ka lang..." sabi pa nyatapos bigla syang tumalikod ay tumakbo papalayo. Tsk! hindi ko man lang nakita yung mukha nya! sino ba talaga sya? bakit nya ginugulo si Icy?

Hahabulin ko pa sana sya pero pinigilan na ako ni Icy.

"Silver, t-tama na. W-wag mo na syang habulin, baka mapaano ka pa." sabi ni Icy tapos tumingin ako sa kanya.

Nakita kong namumutla sya atsaka hinang-hina yung itsura nya.

"Icy, anong nangyari sayo? okay ka lang ba? bakit ka namumutla?" nag-aalalang tanong ko.

"Gusto ko muna umuwi.." sabi nya.

"Bakit Icy? May nararamdaman ka ba? may masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin."

"B-biglang sumama yung pakiramdam ko."

Hinawakan ko yung noo, pisngi at leeg nya pero hindi naman sya mainit. Basta namumutla lang sya at nanghihina.

"Nahihilo ako."

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon