ICY's POV
"Hello Icy! Pwede ba akong umupo dito?"
Inialis ko muna ang mga mata kong nakatuon sa libro at tinignan yung nagsalita. Nakita ko si Vester na ngiting-ngiti, mukhang masayang-masaya sya ngayon ah!
Tinangohan ko nalang sya ay muling ibinaling ang mga mata ko dito sa librong binabasa ko. Umupo naman sya sa upuan na katapat ko at sa tingin ko ay may gagawin din sya dahil may dala-dala syang math notebook.
Nandito ako sa library, papalipas lang ng oras habang wala pang klase. Si Megan, susunod nalang daw sya dito tapos si Silver naman, iniiwasan ko kasi hindi parin maalis sa utak ko yung kiss! Naiilang at nahihiya ako sa kanya.
Matagal-tagal na walang nagsasalita sa amin dahil mayroon kaming kanya-kanyang ginagawa.
"Tsk! Ayoko na talaga! Suko na ako!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Vester, agad naman syang sinabihan ng librarian na tumahimik. Itinigil ko muna ang pagbabasa ko ng libro tutal ay kanina pa naman akong nagbabasa.
Tinignan ko si Vester at padabog nyang isinara ang math notebook nya, tapos ang kanina nyang nakangiting mukha, ngayon ay parang pinagsakluban na ng langit at lupa.
"Vester, may problema ba?" tanong ko.
"Tsk! Lintek na math yan! Mental abuse!" Math? Mental abuse? Hindi kaya! Masaya nga yun! Math is my favorite subject.
"Vester, gusto mo ba ng tulong?" alok ko sa kanya. Siguro may kahinaan sya sa math kaya nya yan sinasabi. Kaya gusto ko sana sya ngayong tulungan.
"Wag na Icy, mahirap akong turuan. Salamat nalang." sagot nya.
"Sigurado ka ba?" tanong ko tapos tumango nalang sya.
"Okay." nasabi ko nalang.
Wala uling naimik sa amin. Pero muling binasag ni Vester ang katahimikan.
"Icy! Gusto kita para kay kuya!" out of nowhere na sabi ni Vester. Waaah! Ano ba yang sinasabi ni Vester?! Hindi ko nalang sya pinansin at isinubsob nalang ang ulo ko sa table.
"Icy! Bagay kayo ni kuya!" sabi ulit ni Vester.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomansaSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)