68th Chapter "Three Things"

4K 179 5
                                    

TRION's POV

"Kuya, ano ba talaga? Magsabi ka nga ng totoo." naiinis sabi ni Princess sa akin.


Napatungo nalang tuloy ako. Sya lang naman kasi itong inaalala namin eh. Kung malalaman ni Princess yung mga nangyayari sa amin, sigurado ako na malulungkot at mag-aalala sya. Makakasama yun sa kanya lalong-lalo na sa kondisyon ng puso nya.


"Pakiramdam ko may tinatago kayo eh. Pakiramdam ko may hindi ako nalalaman." malungkot na dagdag ni Princess.


"Ano ba kasi yun kuya Trion?" dapat ko ba na sabihin kay Princess na nawawala si Jazi? Na kinuha ni Charm yung asawa ko? Na nabugbog si Lucas? Na nawawala din si Megan?


Alam ko naman na malalaman at malalaman din ni Princess ang lahat ng 'to eh. Pero wag muna ngayon dahil makakasama lang sa kanya.


Ang gusto lang naman naming lahat ay mabuhay si Princess ng matagal.


"A-ano ka ba Princess? Walang tinatago ang kuya mo sayo noh. Okay lang ang lahat, wag kang mag-alala." sabi ni Angel. Tinignan ko lang si Angel tapos ngumiti lang sya sa akin.


Simula nang dumating ako dito, nagpanggap na ako na maayos lang ako, na okay lang ako kahit hindi naman talaga. Pero parang hindi naman umuubra kay Princess yung pagpapanggap ko.


"No, ate Angel. I know that kuya Trion is not." malungkot na nakatingin sa akin si Princess. Nakikita sa mga mata nya ang awa.


"Princess, I need to go." tumayo na ako at binigyan si Princess ng halik sa noo.


"B-but kuya-"


"Pagaling ka huh? I love you." ngumiti ako kay Princess tsaka pinat ko yung ulo nya tapos lumabas na ako sa kwarto nya. Mas mabuti na umalis nalang ako, hindi ko na kasi kayang magsinungaling sa kapatid ko.


Pagkalabas ko sa pinto ay nakita ko si mommy na papunta dito. Kaya mabilis ako na nagtago sa likod ng isang pader para hindi nya ako makita. Pagagalitan at sesermonan nanaman nya kasi ako na wag nang tumulong sa paghahanap kina Xena dahil may mga pulis na naman daw na naghahanap sa kanila. Atsaka hindi ko na daw naaalagaan ang sarili ko ng dahil dun.


Ano naman kung malaki ang ipinayat ko? Ano naman kung may malalim at malaki ang eyebags ko? Ano naman kung namumuti na yung buhok ko? Ano naman kung tumanda yung itsura ko? Tsk! Wala na akong pakialam! Kahit na magmukha pa akong bangkay dito, wala parin akong pakialam!


Minsan, hindi ko rin maintindihan si mommy eh! Ginagawa ko lang naman 'to para sa mga kapatid ko at lalong-lalo na sa asawa ko na limang buwan nang buntis. Sobra-sobra ang pag-aalala ko sa kanila kaya hindi mapapanatag ang loob ko kung uupo nalang ako sa isang tabi at ipagkatiwala nalang ang paghahanap sa kanila sa mga pulis! Dapat may gawin din ako!


Leche talaga! Ang pinaka inaalala ko talaga ay si Xena tapos yung anak namin! Hindi ko na talaga kakayanin kapag may nangyari sa kanilang masama.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon