76th Chapter "Mistake"

3.6K 148 6
                                    

ICY's POV

"Kuya Lucas, si bi?" tanong ko kay kuya Lucas nang makasalubong ko sya. Pagkagising ko kasi ay wala na si bi sa tabi ko. Hinahanap ko nga sya dito sa bahay pero hindi ko pa sya nakikita.


Dito kasi pinatulog ni mommy sa bahay si bi at tabi daw kami. Pumayag naman si bi dahil bigla syang natakot mag-isa doon sa bahay nya na dati naman ay hindi.


"Kuya, nasaan si bi?" tanong ko ulit.


"H-ha?"


-_-


Bakit parang wala sa sarili ang patong 'to?


"Ang sabi ko, nasaan si bi? Nakita mo ba sya?" medyo inis na tanong ko. Pag 'to hindi pa sumagot ng maayos..


"Ah ano... Ahh... T-tulog pa." bakit ganito sumagot si kuya Lucas? Atsaka anong tulog?!


"Kuya, niloloko mo ba ako? Wala na si bi sa tabi ko pagkagising ko, kaya sigurado ako na nauna syang nagising sa akin." malinaw na malinaw naman na mas nauna si bi sa akin magising eh. Pero nasaan na ba yun?


"A-ano Princess, tulog pa talaga sya. Sa tabi ko sya natulog." hindi makatingin na sagot ni kuya Lucas.


"Okay sige. Pupuntahan ko nalang si bi." tinalikuran ko si kuya at nagsimula nang maglakad papunta sa kwarto ni kuya Lucas.


"O-oy Princess.. Teka lang." pigil sa akin ni kuy Lucas. Kunot noo ko syang nilingon. Nakakainis na sya ha.


"Ano?!" gusto ko na talagang kausapin si bi tungkol doon sa nangyari sa kanya. Hindi nya kasi sinagot yung mga tanong ko sa kanya kahapon eh.


"Ako nalang." seryosong sabi ni kuya pagkatapos ay iniwan na nya ako dito.


LUCAS' POV

Gustong-gusto kong iuntog sa pader ang ulo ko ngayon! Langya naman kasi! Nagawa ko ang hindi dapat muna gawin kay Megan.


Mahal na mahal ko si Megan pero nagsisisi ako sa nangyari. Nagsisisi ako dahil bata pa kami. Nagsisisi ako dahil kinuha ko na sa kanya ang bagay na yun sa maling pagkakataon.


Bago ako pumasok sa kwarto ko, nakipagtitigan muna ako sa pader na katabi ng pinto ko. Gusto ko na talagang iumpog ang sarili ko dito.


Idinikit ko ang ulo ko sa pader habang nakatungo. Ramdam na ramdam ko ang tigas ng pader kaya pumasok nalang ako sa loob ng kwarto ko.


Ayokong magkabukol. Pipilay-pilay na nga ako maglakad tapos bibigyan ko pa ng bukol ang sarili ko?


Nang makita ko sa aking kama ang natutulog na si Megan ay parang gusto ko ng magkabukol. Pero wag nalang pala dahil hindi naman mababago ng isang bukol ang nangyari na.


"You shouldn't let me to do it." sambit ko habang nakaupo na dito sa tabi ni Megan at hinaplos-haplos pa ang buhok nya.


-FLASHBACK-

Matutulog na sana ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kaya bumangon ako para buksan ang pinto.


"Duck ko, hindi ako makatulog doon sa kwarto ni bi." nakasimangot na bungad sa akin ng magandang Meganphone ko.


"Bakit naman?" natatawang tanong ko. Ang cute nya kasi, parang isang batang nagsusumbong.


"Ang likot kasi ni bi matulog!"


[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon