ICY's POV
Puti. Yan ang una kong nakita pagkamulat ng mga mata ko. Teka, nasaan nga ba ako? Iniupo ko ang sarili ko at sumandal dito sa may unan.
Inilibot ko ang aking paningin at nakakita ako ng pinto sa kanan at bintana na may katabing air conditioner sa kaliwa. May tv na naka-off sa harapan ko at mga prutas na nakaibabaw dito sa side table na katabi ng kama kong kulay puti. Huli kong napansin ay ang kanang kamay ko na may nakakabit na dextrose. So nasa hospital ako? Pero bakit? Ano ang ginagawa ko dito?
Nagsimula na akong mag-isip ng mga huling nangyari.
Ang huli kong natatandaan ay pumunta ako sa locker room para kuhanin ang mga books ko hanggang sa nakita ko si ate Charm tapos hanggang sa....
"SILVER!" bigla akong nag-alala. Kamusta na kaya sya? Okay lang ba kaya sya? Paano na kung ano... Baka naano na sya... Aish! Hindi! Hindi! Mali ang iniisip ko! Okay si Silver at ligtas sya!
Ilang minuto ang nakalipas ay hindi parin ako mapakali. Gusto kong makita si Silver. Gusto kong makasiguro na okay talaga sya.
Pero paano? Baka naman wala si Silver sa hospital na 'to. Wala naman akong mapagtanungan dito dahil wala naman akong kasama sa kwarto na 'to. Nasaan na si mommy? Sila kuya? Si bi? Bakit walang man lang nagtangka sa kanila na bantayan ako dito? Nakakalungkot naman.
Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita ko si mommy. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko sya.
"My god Princess! Salamat sa Diyos at gising ka na!" lumapit agad sa akin si mommy at niyakap nya ako.
"Kanina ka pa ba gising ang baby ko? Sorry kung wala si mommy dito nang magising ka huh, pinuntahan ko pa kasi ang kuya Lucas mo sa kabila." lumungkot yung boses ni mommy nang banggitin nya si kuya Lucas.
"Ano pong nangyari kay kuya? Katulad ko rin po ba syang nandito sa hospital?" nag-aalalang tanong ko. Baka kasi may nangyari din kay kuya Lucas, baka may ginawa din sa kanya si ate Charm. Wag naman sana. Sapat na yung ako lang, ayokong mag-alala ng sobra si mommy sa aming magkakapatid.
"Ah ano kasi Princess..." humiwalay ng yakap sa akin si mommy at umupo sa tabi ko.
"O-okay lang si kuya Lucas mo, wag ka nang mag-alala sa kanya." pagpapatuloy ni mommy habang hinahaplos-haplos nya yung buhok ko. Nakangiti sya sa akin pero alam ko na malungkot sya.
"Sigurado ka po, mommy?" tumango lang sa akin si mommy pero hindi parin mapalagay ang loob ko. Parang may mali kasi, parang may mga nangyayaring hindi maganda.
"Bakit hindi po sya pumupunta dito? Sina kuya Trion at kuya Jazi? Tapos si bi? Nasaan na po silang lahat?" sunod-sunod na tanong ko. Ang dami kong gustong malaman.
"B-bakit po? May nangyari po ba?" nakita ko kasi na may tumulong luha sa mata ni mommy. Mas lalo tuloy akong hindi mapakali.
"W-wala Princess. O-okay lang silang lahat. Wag ka nang mag-isip ng masyado dahil makakasama sayo anak. I-relax mo lang ang sarili mo lalong-lalo na ang utak mo. Makinig ka kay mommy huh?" tumango nalang ako habang yakap-yakap ulit ako ni mommy.
"Pero..."
"Anak, wag ka nang malungkot. O-okay lang ang lahat, wag ka nang mag-alala." naalala ko ulit si Silver.
"Eh si Silver po? Kamusta na po sya?" sana... Sana okay lang sya. Humiwalay ng yakap si mommy at nakangiti sya.
"Maayos na sya, anak. Gusto mo bang dalhin kita sa kanya mamaya?" so nandito rin pala sa hospital na 'to si Silver. Masaya ako dahil nalaman ko na maayos na sya.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)