36th Chapter "Vester's Side"

5.5K 223 10
                                    

VESTER's POV

"Hi my beautiful Icy! I miss you!" haist.. Gusto ko nang itigil itong panliligaw na ginagawa ko, nangloloko na ako eh. May iba akong gusto at hindi si Icy iyon.

Tinignan nya lang ako saglit tapos tinabihan ko naman sya doon sa ilalim ng puno. Napapansin kong ang hilig nyang tumambay sa ilalim ng puno.

Sa di kalayuan ay may nakita akong isang lalaki na naka kulay itim na cap. Sigurado akong binabantayan nya yung mga galaw ko. Isa sya sa mga tauhan ni dad. Maraming tauhan si dad na laging nakabantay sa akin, kaya wala akong kalayaang gawin yung mga bagay na gusto ko.

"Icy, isang linggo kitang hindi nakita ah!" I prefer to call her in her name only. Kita ko na naiilang sya sa pagtawag ko sa kanya ng 'my beautiful Icy ', kahit naman ako ay naiilang rin.

"I was suspended for one week." walang gana nyang sagot.

"Dahil ba doon sa nasira mo?" nakita ko din yung pagsira nya doon sa salamin ng bulletin board para lang matanggal nya yung papel na naglalaman ng hindi magandang mensahe tungkol sa kanya. Hindi ko akalaing magagawa yun ni Icy.

"Yes." tipid nyang sagot.

"Totoo ba yung nakasulat?" kung sakaling totoo nga iyon, pareho pala kami. My dad is a killer, that's why I hate him so much. Pati ako nagiging masama ng dahil sa kagagawan nya.

"That's not true. My dad is not a killer." matamlay na matamlay ngayon si Icy.

"Wag mo nang problemahin yan Icy, hindi naman pala totoo eh. Baliwalain mo nalang." marahan kong tinapik ang kanyang balikat para palakasin ang loob nya.

"I know. Pero hindi naman yun ang prinoproblema ko eh." napakunot naman ang noo ko doon.

"Pwede ko bang malaman kung ano ba talaga ang problema mo?" seryoso syang tumingin sa akin at maya-maya ay ngumiti sya ng mahina.

Minsan ko lang makitang ngumiti si Icy at masasabi kong lalo syang gumaganda kapag ngumingiti. Napakaganda ni Icy, bagay sila ni kuya. Gusto ko si Icy para kay kuya, hindi para sa sarili ko. Sabi ko nga kanina, iba yung gusto ko.

Huminga muna sya ng malalim bago magsalita.

"Problema ko yung mga kuya ko." tapos tumigil sya sa pagsasalita, hindi na ako nagsalita at hinintay na lamang ang susunod niyang sasabihin.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon