MEGAN's POV
Kung tatanungin nyo kung saan ako dinala ng loko-loko na si Lucas, haist! Inuwi lang nya ako sa bahay ko tapos hindi pa nya ako kinakausap! Huhuhu anong gagawin ko sa lalaking yun?
Sabado na ngayon at malapit ng mag-6pm, wala pa akong tulog simula kahapon. Paano ba naman kasi? Hindi talaga ako makatulog kapag may iniisip ako.
Tumingin ako sa bintana, malapit nanamang magdilim. Hindi pwedeng matapos ang araw na ito ng hindi kami nagkakaayos ng Duck Lucas ko.
Kaya lumabas ako ng bahay para pumunta kina Lucas. Magso-sorry ako. Dahil first of all ako naman ang may kasalanan sa kanya. Hindi ako pwedeng magalit sa kanya ng dahil doon sa ginawa nya kahapon. Nagawa lang naman ni Lucas yun ng dahil sa kagagawan ko. Kaya wala akong karapatang magalit sa kanya.
Aaminin ko na minsan kapag kasama ko si Vester ay nawawala si Lucas sa utak ko. Minsan nga ay nakikita ko si Icy na ang sama na ng tingin sa amin ni Vester na parang laging sinasabi ng mga tingin nyang yun ay "Taksil ka kay kuya Lucas, taksil ka.." ayan lang naman ang sinasabi ng mga mata ni bi na pamatay kung makatingin.
But yet, sa kabila ng mga tingin na yun ni Icy, binabalewala ko lang sya kahit na alam ko naman yung pinapahiwatig nya. Huhu taksil nga ba ako? Wala akong kwentang girlfriend! Ngayon ko lang narealize na mali na yung ginagawa ko, masyado na akong napapalapit kay Vester. Pero hindi naman masamang mapalapit sa kanya diba? I just realized na kailangan ko lang dumistansya. Kasi nga diba, may Duck Lucas na ako tapos hinahayaan ko lang maging sobrang close kami ni Vester, to the point na nakakalimutan ko na may Duck Lucas ako kapag kasama ko si Vester. Edi lumalabas na pinagtataksilan ko nga si Duck Lucas ko?
I love my Duck Lucas so much. Hinding-hindi ko lolokohin ang loko-lokong yun.
Si Vester kasi, masaya at masarap syang kasama atsaka ano...uhm..ano kasi....kasi ano...g-gusto ko sya. Pero mali kayo ng iniisip huh! Gusto ko sya as a friend at hanggang dun lang yun! Oo, aaminin ko na crush ko sya, pero that means paghanga lang and nothing more.
Nandito na ako sa tapat ng pinto nila, bukas naman yung gate kaya pumasok nalang ako. Huhuhu sana maayos na 'to.
Kakatok na sana ako pero bumukas na yung pinto. Nang makita ko sya ay agad na tumakbo ako sa kanya atsaka yumakap.
"Waaaaah! Kuya Trion!" akala nyo si Duck Lucas ko ano? Haha hindi. Si kuya Trion.
"Oh Megan, bakit?" tanong ni kuya Trion. Nakayakap parin ako sa kanya.
"Kuya Trion, huhuhuhu.." sinubsob ko yung mukha ko sa dibdib ni kuya.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)