ICY's POV
"Ang lungkot-lungkot mo, bi." sabi ni Megan sa akin habang ako ay nakahalumbaba lang.
"Hindi ako malungkot." pagsisinungaling ko.
"Hindi mo ako maloloko, bi. Alam kong malungkot ka, nakikita ko sa mga mata mo." I sighed. Kilalang-kilala nya talaga ako.
"Malungkot ka ng dahil kay Silver." napatingin ako kay Megan, seryoso syang nakatingin sa akin. Another sigh.
"Tama ako, diba?" I just rolled my eyes. Wala na talaga akong maitatago dito sa bestfriend ko.
"What's the issue?" tanong ni Megan tapos sumipsip sya doon sa kanyang lemonade.
Hindi ko sya sinagot kaya tinaasan nya ako ng isang kilay.
"Ano na, bi?" tanong nya.
"Masyado kang seryoso, bi." sabi ko tapos sumipsip din ako sa iced tea ko at nilaro-laro ko yung straw.
"Hindi bagay sayo." sabi ko pa.
"Ang sabihin mo, hindi ka lang sanay. Maganda ako kaya bagay sa akin ang lahat." seryosong sabi nya. Pero seryoso ba sya sa sinabi nya?
"Hay, oo nalang." nasabi ko nalang.
Nandito kami ngayon sa may school garden at nakaupo dito sa upuan na gawa sa bato na may lamesa din na gawa sa bato. Katapat ko si Megan.
"Bi, hinihintay ko ang sagot mo." napatingin ulit ako kay Megan.
"Maging open ka naman, kahit ngayon lang. Ang dami ko nang hindi alam sayo huh. Nakakatampo ka na." sabi pa nya tapos nag-pout sya.
"Bi, sorry huh." bestfriend ko sya, dapat palagi akong open sa kanya. But then, what am I doing right now? Keeping my feelings as secrets.
"I trust you so much, bi. But yet, hindi ako nagiging open sayo. I'm so sorry." hinawakan ni Megan ang mga kamay ko.
"Wag kang mag-sorry, bi. Naintindihan naman kita eh. Alam kong inborn na sayo yan. Pero bi, maganda kasi kung magiging open ka eh. Nakakagaan kaya yun ng loob, promise." nakangiting sabi ni Megan. Sa mga ngiting nyang yan, gumagaan na agad ang pakiramdam ko eh. Ipinaparamdam ng mga ngiti nya sa akin na lagi lang syang nandito sa tabi ko at na hindi nya ako iiwan.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...