13th Chapter "Ally"

10.1K 295 17
                                    

JAZI's POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Nakaupo ako sa kama at pinagmamasdan ng mabuti ang dalawang papel na may makaparehong-magkapareho na handwriting.

"No...hindi sya, hindi sya.." pagkumbinsi ko sa sarili ko, hindi pwedeng sya, mabait syang tao at alam kong hindi nya ito magagawa. Siguro magkapareho lang sila ng handwriting. Oo tama, magkapareho nga lang sila.

Pero bakit ang lakas lakas ng kutob ko na sya nga to? hay ewan! hindi ko maintindihan! ang gulo.

Maya-maya ay biglang pumasok si kuya Trion dito sa kwarto ko, kaya dali-dali kong tinago yung dalawang papel na pinagkukumpara ko ang sulat..

"Kuya bakit?" tanong ko..

Teka, bakit ganito makangiti si kuya sa akin? yung ngiting mapang-asar, anong meron?..

Umupo sya sa tabi ko at inakbayan ako..

"Bro, bumaba ka.." sabi ni kuya na hindi parin naaalis yung mapang-asar na ngiti nya..

"Bakit? anong meron?" tanong ko ulit, tumayo si kuya habang nakaakbay parin sa akin, kaya napatayo na rin ako. Naglakad kami papalabas ng kwarto ko..

"Basta.." sabi ni kuya na nanatili parin ang kanyang mapang-asar na ngiti. Tapos naglakad na kami pababa papuntang living room.

Nang nasa living room na kami. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Tss bakit sya nandito?! *face palm*

"Wahh!! Jazi oppa my loves! I miss you! do you also miss me?" sabi nya habang nakayakap na sa akin. Kahit kailan ay para talagang linta tong babaeng to..

"No! stay away from me!" tapos tinanggal ko yung kamay nyang nakayakap sa akin at ibinaling ko yung tingin ko kay kuya Trion.. "Kuya, aakyat na ulit ako. Tss."

Pero bago pa ako makapagsimulang maglakad pabalik sa kwarto ko ay pumulupot nanaman sya sa akin..

"Ally! ano ba! let go of me!" reklamo ko..

"Jazi oppa my loves, hindi ka na nagbago, ang sungit mo pa din sa akin.." tapos nag-pout sya, tss di bagay..

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon