31st Chapter "Unexpected"

7K 239 11
                                        

SILVER's POV

"Icy, sandali lang." pigil ko kay Icy na pababa na sana dito sa kotse ko.

Nandito na kasi kami sa tapat ng bahay nila. Hinatid ko kasi sya.

"Huh? Bakit?" tanong nya tapos umayos ulit sya ng upo.

"May ibibigay lang ako sayo." hindi na sya sumagot. Kinuha ko yung isang rose na nakatago dito sa may gilid ko tapos ibinigay sa kanya, tinanggap naman nya iyon.

Kumunot naman yung noo nya at tinitigan yung rose.

"What's that?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"It's a withered rose." kunot-noong sagot nya habang nakatitig parin doon sa nalantang rose na binigay ko sa kanya. Siguro nagtataka sya kung bakit ko sa binigyan ng nalantang rose.

Kinuha ko pa yung isang rose na nakatago sa tabihan ko.

"How about this?" sabi ko habang inaabot sa kanya yung isa pang rose. Kinuha naman nya ito.

"A fresh rose." sagot ni Icy na nakatitig naman doon sa isang rose.

Tinititigan lang ni Icy yung dalawang bulaklak na hawak nya habang ako naman ay nakatitig sa kanya. Masyado syang maganda kaya hindi ko maiwasang tumitig sa kanya.

"Inihahalintulad kita sa isang fresh rose tapos yung mga babae kanina na pinagseselosan mo daw ay inihahalintulad ko naman sa isang withered rose. " sabi ko habang nakatitig parin sa kanya. Napatingin naman sya sa akin matapos kong magsalita.

"Bakit naman? Atsaka hindi ako nagseselos, naiinis lang ako!"tapos aysinamaan nya ako ng tingin. Sige na nga! Naiinis na sya kung naiinis. Pero ano ba ang nararamdaman ng isang taong nagseselos? Hindi ba, naiinis?

Nginitian ko muna sya bago ako magsalita.

"Because a withered rose is just nothing compared to a fresh rose." sabi ko habang nakatingin doon sa hawak nya tapos tumingin ulit ako sa kanya. "Tama ako diba?"

"Oo, pero baki--" kunot-noong sabi ni Icy pero pinutol ko kaagad yung sasabihin nya kasi alam kong kokontra nanaman sya.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon