TRION's POV
"Doc, ako po. Parehas po kami ng blood type ni kuya."ang sabi nung kapatid ni Silver na si Vester doon sa doctor.
"Tsk! Idonate mo na ang lahat ng dugo mo." inis na bulong ni Lucas na nakaupo dito sa tabi ko.
"Lucas." suway ko sa kanya. Sa totoo lang, kanina pang naiinis at nakabusangot ang patong 'to. Hindi ko nga alam kung yung nangyari ba kina Princess o yung presensya nitong kapatid ni Silver ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan.
"Tsk." sagot lang ni Lucas. Tinignan ko yung kamay nya at wagas yun kung makahawak sa kamay ng katabi nyang si Megan.
Sumama na yung kapatid ni Silver doon sa doctor para makapag-donate ng dugo kay Silver. Kailangan na kailangan na ni Silver na masalinan agad ng dugo dahil ayon sa doctor, napakarami daw na dugo ang nawala sa kanya. At kung hindi yun maagapan, pwede daw nya yun ikamatay.
Laking pasasalamat ko kay Silver dahil iniligtas nya si Princess. Hindi biro yung ginawa ni Silver dahil buhay yung itinaya nya alang-ala lang sa kaligtasan ng kapatid ko.
Mabuti nalang dahil magkapareho sina Silver at yung kapatid nya ng blood type kahit na hindi sila buo na magkapatid. Sana maging ligtas na si Silver.
"Mom, ano daw? Kamusta si Princess?" tanong ko agad kay mommy na kalalabas lang doon sa pinto ng isang room kung saan sya kinausap ng doctor.
"T-teka lang m-mommy, ano pong nangyari? B-bakit ka umiiyak?" natatarantang tanong ko nang bigla akong yakapin ni mommy atsaka umiyak ng umiyak.
"Ayoko mawala sa atin si Princess! Ayoko!" umiiyak na sabi ni mommy. Bigla akong kinabahan.
"M-mawala? Bakit po? Ano po ba ang sinabi ng doctor?"tanong ni Megan na agad na lumapit dito. Halatang-halata sa pagmumukha nya ang takot.
"Mommy, uminom po muna kayo." inabutan sya ni Lucas ng tubig na nasa loob ng plastic bottle.
"S-salamat anak."
Nang pare-parehas na kaming makaupo ay luminga-linga si mommy na waring may hinahanap.
"Nasaan si Jazi? Lucas, hindi ba't kasama mo sya?" si Jazi pala yung hinahanap nya. Nasaan na nga ba yun?
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomansaSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)