MEGAN's POV
Pagkaraan ng mga ilang minuto ay may lumabas nang doctor...
At sinabi ang mga salitang...
"I'm sorry..."
"Dead on arrival."
Natigilan kami nang marinig namin ang mga salitang yun.
"ANONG KLASENG DOCTOR KA?! BAKIT HINDI MO GINAWA ANG LAHAT?!"
"P-pasensya na po. Ginawa na po namin ang lahat pero hindi na po talaga kinaya ng katawan nya."
"PASENSYA?! ANO ANG MAGAGAWA KO DYAN SA PASENSYA MO?! MABUBUHAY BA NYAN ANG KAPATID KO?! WALA KANG KWENTA!"
"D-Duck ko, natatakot ako. Baka----" hinawakan ni Lucas ng mahigpit ang kamay ko.
"Hindi yan Meganphone ko, makakaligtas sina Princess." positibong sabi ni Lucas.
Kasalukuyang may nagwawalang lalaki dito sa harapan namin nang sabihin sa kanya ng doctor ang mga salitang yun. Kung wala lang sigurong pumipigil dito sa lalaki, marahil ay bubog sarado na yung doctor.
Natatakot parin ako. Baka kasi kapag lumabas na yung doctor na hinihintay namin ay "dead on arrival" din ang sabihin sa amin. Ayoko yun marinig. Ang gusto kong sabihin sa amin ng doctor ay ligtas sila bi at wala kaming dapat ipag-alala.
"Oh kuya, saan ka pupunta?" tanong ni Lucas kay kuya Jazi na naglalakad papaalis.
"Kay Charm." malamig na sagot ni kuya Jazi. Pipigilan pa sana namin si kuya Jazi ngunit ay mabilis na syang nakaalis.
JAZI's POV
Pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa bahay ni Charm. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko na puntahan sya. Dalawang buhay ang nasa panganib ng dahil sa kanya. Hinding-hindi ko sya mapapatawad ng dahil sa ginawa nya.
Simula palang noong bumalik sya at muli ko syang mayakap, nakaramdam na agad ako ng kakaiba. Pero hindi ko na pinansin yung nararamdaman kong yun dahil inisip ko na baka naninibago lang ako dahil matagal-tagal ko na syang hindi nakikita.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
عاطفيّةSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)