XENA's POV
"Ate, hindi na kita nakikitang ngumiti. Sige ka, magiging mas maganda na ako sayo nyan!" sabi ni Ally sa akin.
"Oo nga naman Xena. Ngumiti ka na dahil hindi pwedeng mas maganda si Ally sayo."sabi naman ni Jasper tapos nakatanggap sya ng batok kay Ally. Siya si Jasper Mendrez, ang bestfriend naming dalawa ni Ally.
Matagal naming hindi nakita itong si Jasper. Nasa gradeschool palang yata kami noong huli kaming nagkita, kaya naman miss na miss na namin sya.
Hindi ko sinasadyang makipag-break kay Trion. Masyado akong nagpadalos-dalos, masyado akong nagpadala sa galit, masyado kong pinaniwalaan yung nakita ko, at hindi ko pinakinggan yung mga paliwanag nya. Nabalot ng galit ang puso ko nang makita kong nakikipaghalikan si Trion sa ibang babae kaya ko nagawang makipaghiwalay.
Alam ko na ang totoo. Isang buwan na ang nakakaraan nang may taong lumapit sa akin at kinausap ako, nakita kasi ng taong iyon yung nangyari sa amin ni Trion. Sinabi din ng taong iyon na ang babaeng humalik kay Trion ay binayaran lang para gawin yun. Pero bakit naman? At sino ang may pakana nun?
Pinagsisisihan kong nakipaghiwalay ako sa kanya. Halata ko naman na diring-diri na sya dun sa babae, pero nangibabaw talaga sa akin ang galit at pagdududa kaya ko nagawang tapusin na ang kung anong meron kami.
Pero ngayong gusto ko nang bumalik sa kanya, sya na itong lumalayo, sya na itong may ayaw. Masyadong mabilis ang karma.
~Flashback~
3 weeks ago.
Nagkataong mag-isa lang ako dito sa bahay nang biglang tumunog ang doorbell.
Pagkabukas ko ng gate namin ay nakita ko ang isang lalaki.
"Sino ka?" tanong ko sa lalaki.
Hindi sya nagsalita. Ngumiti lang sya sa akin at nakita ko ang paglabas ng kanyang dimples. Kilala ko ang ngiting yan.
"Jasper?" sabi ko na lalong ikinalapad ng kanyang ngiti.
"Ako lang naman ang pinakagwapong bestfriend ng dalawang pinakamagandang magkapatid." nakangiting sabi nya na para bang may ipinagmamalaki.
Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi at tinitigan sya.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
Storie d'AmoreSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)