73rd Chapter "CyVer's Endearment (Part II)

3.8K 153 11
                                        

XENA's POV

Haha si BabyLoves nga ni Princess yung nag-doorbell!


"Hi! Nice to meet you, Silver!" masayang bati ko kay Silver sabay lahad sa kanya ng kamay ko para makipag-shakehands.


Dinala kasi ni mommy dito sa dining room si Silver para ipakilala sa akin. Ang gwapo pala ni Silver, bagay na bagay sila ni Princess. Atsaka ang cute rin nya! Gusto ko ngang pisilin yung pisngi nya kaso hindi pa kami close. Kapag close na kami nitong BabyLoves ni Princess, saka ko pipisilin yung mga pisngi nya.


"Hehe sabi ko nice to meet you, Silver." pag-uulit ko. Hindi pa nya kasi tinatanggap yung kamay ko para makipag-shakehands.


"Yeah, I heard it. Same to you." walang emosyon na sagot sa akin ni Silver pagkatapos ay ibinulsa nya yung mga kamay nya. Kaya nakasimangot kong ibinaba yung kamay ko na hindi nya tinanggap at ipinagpatuloy nalang ang pagkain ng pancake na may ketchup.


Bigla ko tuloy naalala si Princess noon.


-FLASHBACK-

"Princess, meet my girlfriend, Xena.." pagpapakilala sa akin ng boyfriend kong si Trion doon sa bunsong kapatid nya na babae.


"Princess, I said meet my gir---" hindi na natuloy ni Trion yung sasabihin nya kasi nagsalita na yung kapatid nya.


"Yeah kuya, I heard it.." sabi nung kapatid nya na hindi man lang kami tinitingnan.


"And no need to repeat." dagdag pa ni Princess sabay lipat ng isang page doon sa librong binabasa nya.


Huhu ganito pala yung kapatid na babae ni Trion. Akala ko pa naman ay madali ko syang makakasundo. Suplada pala sya atsaka may pagkasungit.


"Nice to meet you, Princess." nakangiting sabi ko sabay lahad sa kanya ng kamay para makipag-shakehands.


Pero tinignan lang nya yung kamay ko tapos tumingin naman sa mga mata ko. Huhu hindi ba nya tatanggapin yung kamay ko para makipag-shakehands man lang sa akin?


"Okay. Same to you." cold na sabi ni Princess at pagkatapos nyang sabihin iyon ay nilingon nya ang isang wall clock tsaka tumayo.


"Saan ka pupunta?" tanong ni Trion sa kapatid.


"It's already quarter to three, may lakad kami ni bi." sagot ni Princess pagkatapos ay tuluyan na syang umalis.


Tinitigan ko naman yung kamay ko na hindi tinanggap ni Princess.


"Trion ko, madumi ba ang kamay ko?" itinapat ko sa mukha ni Trion yung kamay ko na ipangsha-shakehands ko sana kay Princess.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon