CHARM's POV
"Prince, kailangan ko nang puntahan sina Princess." nilapitan ko ulit si Prince pagkatapos kong kausapin si Vester sa phone.
Tumango lang sya habang nakatingin sa kawalan.
"Okay lang ba sayo na iwanan muna kita dito?" kasama ko sana si Prince sa pagpunta sa lugar na sinabi sa akin ni Vester pero sa sitwasyon ngayon, hindi sya makakasama.
Tumango nalang ulit sya.
"Hihintayin mo kami dito huh?" tumango nalang ulit si Prince.
Naiintindihan ko kung bakit sya ngayon nagkakaganito. Sobrang sakit na ng mga pangyayari kaya kung ilulugar ko ang sarili ko kay Prince, hindi ko r in alam ang gagawin ko. Malapit ako sa pamilya nila kaya pati ako, nasasaktan sa mga nangyayari.
"Charm." tumingin ako kay Prince nang tawagin nya ako. Pero nakatingin parin sya sa kawalan.
"A-ayos lang ako dito. Sige na, iwanan mo na muna ako." tumungo sya at nagsimulang umiyak. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Nasasaktan akong makita syang ganito.
"H-hindi ko lang talaga kayang iwanan ngayon ang kapatid ko. H-hindi ko kayang iwanan si Lucas... K-kaya d-dito lang muna ako." niyakap ko si Prince at hinayaan syang umiyak sa balikat ko. Hindi ko na rin maiwasang maiyak. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang... Parang kailan lang talaga.
Naramdaman kong parang may tao sa likod ko kaya humiwalay muna ako kay Prince. At hindi nga ako nagkakamali, may isang babaeng nakatayo at nakatingin sa amin. Sino kaya sya?
"I-ikaw ba si Charm? Ang totoong Charm?" tanong nung babae. Bakit nya kaya tinatanong kung ako ang totoong Charm? Alam ba nya ang tungkol sa pagpapanggap ng kakambal kong si Mella?
"Oo. Ako nga." sagot ko habang pinagmamasdan yung babae. Maganda sya at mukhang mabait.
"Ako naman si Ally." pagpapakilala nya sabay lahad ng kamay nya para makipag-shakehands. Tumingin ako kay Prince pero nakatingin ulit sya sa kawalan.
Tumingin ulit ako doon sa babae at nginitian sya.
"Ikaw pala si Ally. Kilala lang kita sa pangalan dahil madalas kang mabanggit ni Prince sa akin. Masaya ako na makita kita ng personal." nakangiting sabi ko sabay tanggap ng kamay nya para makipag-shakehands.
Ngumiti din sya. Hindi na ako magtataka kung bakit nahulog sa kanya si Prince.
"Ako din, Charm. Masaya ako na makita ka." nakangiting sabi nya pero agad ding nawala ang mga ngiti nya.
"I heard the news kaya ako nandito." malungkot na sambit nya. Kaya naman pala.
"K-kamusta na si Lucas?" tanong ni Ally.
Tumungo ako dahil hindi ko alam ang dapat na isagot.
"Charm?"
Inangat ko ang ulo ko at hinila si Ally sa lugar na medyo malayo kay Prince.
"Ally, can I have a favor?" tanong ko. Nakakahiya nga dahil kakakilala palang namin ay humihingi agad ako ng favor, pero hindi naman 'to para sa akin eh.
"Huh? O-okay. What is it?" kunot-noo na sagot nya.
"Kailangan ko na kasing puntahan sina Princess eh. Pwede mo bang samahan dito sa ospital si Prince?" sana pumayag sya. Kahit na sabihin ni Prince na ayos lang sya dito, mas maayos parin kung may makakasama sya lalo na't sa ganitong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...