62nd Chapter "L.I.B.'s Identity"

4.3K 162 46
                                        

Ang POV ni Lady In Black. •____•

L.I.B.'s POV

Nagsimula ang lahat sa araw na iyon.

Araw na inakala kong magiging masaya ngunit iyon pala ang araw na mas lalo pang naging miserable ang buhay ko.

Araw na inakala kong mararanasan ko na ulit ang magkaroon ng isang buong pamilya ngunit iyon pala ang araw na nagpamukha sa akin na hinding-hindi ko na mararanasan ang magkaroon ng isang buong pamilya.

Tsk! Tumutulo nanaman itong mga lintek kong luha. Ayokong umiyak, nagmumukha akong mahina.

Kinuha ko na yung tray na may laman na mga pagkain at nagsimula nang maglakad patungo doon sa kwarto kung saan ko sya ikinulong.

Nang nasa tapat na ako ng pinto nung kwarto ay saglit ko munang inilapag yung tray sa sahig para kunin yung susi sa bulsa ko. Nang mabuksan ko na yung pinto ay kinuha ko na ulit yung tray at pumasok na sa loob.

"Kumain ka na." sabi ko nang mailapag ko na yung tray sa harap nya. Tinanggal ko pansamantala yung posas sa mga kamay nya para sya ay makakain.

Umupo ako sa tapat nya para makaharap ko sya ng maayos. As usual, ang sama ng tingin nya sa akin.

"Kung tinutulungan mo sana ako, edi sana wala ka dyan sa lagay mo ngayon." malumanay na sabi ko.

"Mas gugustuhin ko pang maging ganito kaysa gumawa ng masama." madiin na sabi nya na nagpatawa sa akin.

"Hahaha! Hindi naman ako gumagawa ng masama eh! I am just returning the favor my dear." tumayo na ako at pumunta sa isang drawer kung saan nakatago ang baril ko.

"Anong gagawin mo?" tanong nya nang mapasin nya ang pagbukas ko sa drawer. Hindi sya makalapit dito dahil maging yung mga paa nya ay pinosas ko.

"May lakad ako ngayon eh. Gusto mong sumama? Dali na! Para naman dalawa tayo!" pabirong sabi ko kasabay ng pagkuha ko ng baril mula sa drawer at isinuksok ito sa bulsa ko.

"Tumigil ka na nga, Mella." yan. Yan ang dahilan kung bakit ko sya ikinukulong dito. Tutol sya sa lahat ng plano ko. Kaya kung hahayaan ko syang maging malaya, masisira ang lahat ng plano ko.

"Kahit anong sabihin mo, hindi ako titigil. Titigil lang ako kapag patay na silang lahat." ayoko nang makarinig pa ng mga kadramahan nya kaya umalis na ako. Binilinan ko nalang ang isa sa mga tauhan ko na ibalik ang pagkakaposas ng mga kamay nya pagkatapos nyang kumain tapos ay i-lock yung kwarto na kinalalagyan nya.

Totoo yung sinabi ko na titigil lang ako kapag patay na silang lahat. Gusto kong maramdaman nila ang naramdaman ko. Gusto kong maranasan nila ang nangyari sa mga magulang ko. Hindi ko sila hahayaang maging masaya.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon