VESTER's POV
"Vester, anak ko."
O________O
Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagkabigla. Si kuya Silver? M-may anak na?
Bumuka ang bibig ko pero walang salita na lumabas. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Vester, alam kong nabigla kita. Sorry." paumanhin ni kuya tapos tumungo sya habang buhat-buhat yung bata.
Tinignan ko yung bata. Balot na balot yung katawan nya. Nakasuot sya ng jacket, naka-pajamas, tapos naka-medyas pa.
"Daddy, why sad po?" hindi talaga ako makapaniwala na may tumatawag na pala na "daddy" sa kuya ko.
"Nothing baby." sabi ni kuya pagkaangat nya ng ulo nya tapos hinalikan nya sa pisngi yung....yung anak nya.
"Sir, aalis na po ako!" napalingon kami doon sa babaeng papalabas na dito sa unit ni kuya.
"Bye-bye po yaya!" sigaw nung bata habang si kuya naman ay tinanguhan lang yung babae.
Sigurado naman na hindi yun ang nanay ng batang yan dahil "sir" ang tawag kay kuya habang "yaya" naman ang tawag nung....nung anak ni kuya.
"Daddy, sino po sya?" tinuro ako nung bata.
"Kapatid ko sya, anak." pagpapakilala ni kuya. Tinitigan naman ako nung bata.
"Hello po kapatid ni daddy." sabi nung bata habang titig na titig a akin at seryoso pa ang pagmumukha. Lumapit ako sa kanya at ngumiti.
"H-hello. Anong pangalan mo?" tanong ko habang hinihimas-himas ko yung ulo ng....ng pamangkin ko. Hindi ako akalaing may pamangkin na pala ako.
"Sanver po!!!" masayang sagot nya.
"Sanver, ilang taon ka na?" nakita kong nagbilang sya sa daliri nya. Nakakatuwa sya at ang cute nya.
"Ganito po oh!" sabi ni Sanver habang nakataas yung isang kamay nyang nagpapakita ng tatlong daliri.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)