ICY's POV
Gabi na kaya mayamaya ay aalis na rin kami dito sa seminteryo. Pero lumayo muna ako sa kanila dahil gusto ko munang mapag-isa.
Umupo ako sa damuhan at pinagmasdan ang napakatahimik na kapaligiran.
I feel very INCOMPLETE. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Tsk. Noon pa naman ako incomplete eh. Hindi ko na naramdaman na kompleto ako simula noong nawala si kuya Lucas at napalayo sa akin si Silver.
In four years, my life has never been complete.
Nagiging masaya naman ako pero kulang parin talaga eh. Simula noong nawala si kuya Lucas at napalayo sa akin si Silver, I never been contented.
Oo nandito sila mommy at daddy, sila kuya, sila ate, si bi, mga pamangkin ko, pero iba parin talaga kasi kumpleto kami eh... Yung walang nawala.
Sobrang nakakalungkot lang isipin na kahit kailan ay hindi na kami makukumpleto dahil hindi na mababago ang katotohanang wala na si kuya Lucas.
"Princess, anong ginagawa mo dito?" lumingon ako sa kanan ko at nakita ko si kuya Jazi na nakatingin sa akin. Umupo sya sa tabi ko pero hindi ko sya kinausap.
"Gabi na ah. Bakit ka mag-isa lang dito?" tanong pa ni kuya Jazi pero hindi ko sya sinagot.
"Hoy Jazi! Sa tingin mo ba sasagutin ka nyang kapatid mo?!" narinig ko ang masungit na boses ni ate Ally.
"Ally mylabs, syempre hindi! Kapatid ko 'to eh! Pero ikaw Ally mylabs, sigurado ako na sasagutin mo na ako." sagot naman ni kuya Jazi na sigurado akong may kasama pang kindat kahit na hindi ako nakatingin.
"Hmp! Bahala ka nga dyan!" pagkatapos magsalita ni ate Ally ay mabilis na syang umalis.
"Tsk tsk tsk.. Talagang sinundad pa ako dito ng aking napakagandang future wife. Namimiss na siguro ako nun. Diba Princess?" tsk. Diba Princess mo yang mukha mo, kuya Jazi!
Bigla akong nalungkot. Yung lungkot na gusto kong umiyak para mailabas ako ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Kuya Jazi, ni minsan ba ay pinakialaman kita pagdating sa taong mamahalin mo? Ni minsan ba ang naging hadlang ako? Hindi naman diba?!" biglang sigaw ko kay kuya Jazi kaya natahimik sya.
Hindi ko na mapigilang umiyak. Parang kahit anong oras ay sasabog na ako.
"Jazi? Bakit mo pinaiyak si Princess?"
"Kuya, hind----"
"Isa ka pa kuya Trion! Ni minsan naman ay hindi ko pinakialaman ang relasyon nyo ni ate Xena ah!" sigaw ko naman kay kuya Trion na kararating lang.
Tumayo ako at humarap sa kanilang dalawa. Sa totoo lang, ngayon ko lang talaga ulit sila kinausap.
Tsk! Sabi ko, gusto ko muna mapag-isa pero sinundan naman nila ako dito!
Pero ayos na rin siguro yung ganito dahil kailangan ko na ring ilabas ang sama ng loob ko sa kanila.
"Pero bakit ganito ang ginagawa nyo sa akin? Sa amin ni Silver?"
Hindi sila nakapagsalita. Tinakpan ko ng dalawang kamay ang mukha ko atsaka umiyak ng umiyak. Ramdam ko na tinititigan lang nila ako. Hinayaan lang nila akong umiyak ng umiyak. Wala man lang ni isa sa kanila ang nag-attempt na yakapin ako para kahit papaano ay mapagaan ang loob ko.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)