JAZI's POV
"Ally mylabs!" kinawayan ko ang aking napakagandang future wife na nakadungaw sa bintana ng kwarto nya at mukhang kakagising palang nya dahil ang gulo pa ng buhok nya.
"Hoy Jazi! Ano nanaman ang ginagawa mo dyan?!" masungit na tanong nya. Hahaha lalo akong na-iinlove sa kanya kapag nagsusungit sya.
"Syempre, hinihintay ang future wife ko na si Ally mylabs!" lalo syang sumimangot sa naging sagot ko. Haha ang cute talaga ng future wife ko.
"Future wife at Ally mylabs mo yang mukha mong panget! Hmp!" pagsusungit ulit nya sabay sara ng kurtina. Tsk! Hindi ko na tuloy makita ang napakagandang future wife ko. Haha di bale, nakita ko naman na namula sya doon sa sinabi ko.
Oo, future wife ko na si soon to be Mrs. Allylia Sue - Montrey kahit na ni hindi ko pa sya girlfriend o fiance'. Basta future wife ko sya at walang makakapigil sa akin!
Mabuti nalang at wala na dito sa Pilipinas yung baklang bestfriend nya na may gusto sa akin kaya walang sagabal. Solong-solo namin ni Ally mylabs ang isa't-isa.
ALLY's POV
"Future wife at Ally mylabs mo yang mukha mong panget! Hmp!" masungit na bulyaw ko kay future hubby na hinihintay nanaman ako sa labas ng gate. Hihihi.
Pagkasara ko ng kurtina ay agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi ko na nag-iinit nanaman ng dahil sa aking future hubby.
"KYAAAAAA~" tili ko kasabay ng paggulong-gulong ko sa aking kama.
Hahaha ano ba kayo? Eh sa kinikilig ako kay Jazi mylabs na future hubby ko eh! Hihihi.
Pero wag kayong maingay kay Jazi mylabs ko na future hubby ko pa huh? Plano ko kasing pahirapan sya kaya palagi akong nagsusungit at nagpapakipot sa kanya. Aba aba! Kailangan nya akong paghirapan noh!
Ang sabi sa akin ni ate Xena, hindi easy to get ang ganda namin kaya heto ako ngayon.. Hihihi
Halos mag-aapat na taon na nanliligaw sa akin ni future hubby pero hindi ko parin ibinibigay ang matamis kong oo.
Tumigil ako sa pagtili at paggulong nang mag-ring ang phone ko.
"ANO?!" bulyaw ko kay future hubby na nasa kabilang linya. Hihi namiss na agad siguro nya ako.
[I miss you.] huhuhu bakit ang gwapo ng boses ng future hubby ko?
Pero hindi ko dapat ipahalata na kinikilig ako kaya...
"Oh tapos? May sasabihin ka pa?" mataray na tanong ko. Narinig ko na tumawa sya sa kabilang linya kaya hindi ko maiwasang mapangiti sa kilig.
"Oh? Anong tinawa-tawa mo dyan?!" pagtataray ko pa. Hihihi.
[I know you're smiling because of me.] sabi pa ni future hubby gamit ang kanyang napakagwapong boses.
Nagulat ako sa sinabi ni future hubby Jazi mylabs kaya luminga-linga ako dito sa loob ng kwarto ko. Baka kasi sa sobrang patay na patay at pagmamahal sa akin ng lalaking yun ay nakapasok na sya dito sa kwarto ko o kaya naman baka naglagay na sya ng CCTV dito sa kwarto ko ng hindi ko nalalaman.
Huli kong tinignan ang bawat sulok ng kisame dito. Wala naman akong nakitang CCTV.
"At paano mo naman nalaman na nakangiti ako?!" masungit na tanong ko.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...