40th Chapter "Their Plan"

5K 194 44
                                    

CASS' POV

"Agrr!! Nakakainis talaga!" hiyaw ko. Paano ba naman kasi?! Sobrang nakakainis na yung Icy na yun! Palaging kasama si Silver! Napakalandi! Ang sarap nyang burahin sa mundong 'to!

"Yah right! Icy is so nakakainis and malandi! Akala mo kung sinong pretty! Eh wala pa nga sya sa kalingkingan natin!" sabi ng pinakamaarte kong kaibigan na si Mandy tapos nag-flip pa sya ng kanyang hair.

"Ano ba kasi ang nagustuhan ni Silver dyan sa anak ng killer na yan?!" inis din na sabi ni Kris.

"Hey wait Cass! Where is your I.D.?" biglang tanong ni Mandy. Tumingin ako sa dibdib ko para i-check yung I.D. ko pero ang tanging nakita ko lang ay ang I.D. lace ko na walang nakasabit na I.D.. Biglang nag-init ang ulo ko.

"Argrr! Sino ang kumuha ng I.D. ko?!" ayoko sa lahat ay kinukuha yung mga bagay na pag-aari ko!

"Cass! Chill ka lang, baka nahulog lang yun! Hanapin nalang natin." sabi ni Kris

"Kris is right! You're so over acting talaga! Parang I.D. lang eh!" iritang sabi naman ni Mandy. Kahit kailan talaga ay ang lakas nyang maka-conyo, palibhasa kasi ay nasobrahan sa kaartehan.

Oo, aaminin ko na mga maarte kaming tatlo. Pero si Mandy, lampas universe na ang kaartehan. Tama lang yung sa amin ni Kris.

"Cass, look! Yung I.D. mo nasa garbage! Eeeww!" diring-diri na sabi ni Mandy habang nakatingin doon sa basurahan na nadaanan namin.

"Kunin nyo nga!" sigaw ko kina Mandy at Kris na ikinalaki ng mga mata nila.

"Why us?! Ikaw nalang kaya! Iyong I.D. naman yan!" inis na sabi ni Kris na ngayon ay nakacross-arms na.

"Don't use that I.D. nalang, it's dirty na eh!" napaisip ako doon sa sinabi ni Mandy. Patay talaga sa akin kung sino mang unggoy na yan ang naglagay ng aking napakagandang I.D. sa basurahan!

"Tama ka Mandy. Magpapagawa nalang ako ng new I.D." madumi na yung I.D. ko kasi nasa basurahan na. Ang mga maduduming bagay ay hindi na dapat ginagamit ng mga dyosang katulad ko.

"Cass, parang alam ko na kung sino ang gumawa nyan." sabi ni Kris habang nakatingin sa ibang direksyon, kaya naman tumingin ako doon sa tinitignan ni Kris.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon