55th Chapter "That Smile"

4.9K 163 16
                                        

TRION's POV

"Tsk! Bwisit talaga! Tuwing umaga nalang!" nandito ako sa loob ng c.r. at nakaharap sa salamin.

"Lumayas ka sa ulo ko!" pagkatapos ay marahas kong binunot yung pesteng puting buhok na nakatirik sa ulo ko. Nakakabadtrip na talaga! Lagi nalang akong nakakakita ng puting buhok sa ulo ko!

"Walanghiya naman oh! May isa pa?!" peste naman oh! Bakit ba pinuputi na ako ng buhok?! Binunot ko nalang ulit yung isa pang nakita ko.

"Trion ko, sinong kaaway mo dyan?" tanong ni Xena na kakapasok lang dito sa c.r.

"Wala! Lumayas ka nga dito!" sigaw ko sa kanya. Badtrip talaga! Napakabata ko pa para magkauban!

"Bakit ba tuwing umaga ka nalang ganyan? *sniff* Wala ka namang sinasabing dahilan kung bakit ang sungit-sungit mo tuwing umaga. *sniff* T-tapos lagi mo pa akong sinisigawan." napaka-iyakin talaga ng babaeng yan.

"Wag ka ngang umiyak!" sigaw ko ulit. Hinalukay ko pa yung buhok ko at lalong nag-init ang ulo ko nang marami pa akong nakitang mga puting buhok.

"Agrrr!!!" pagod na akong magbunot kaya ginulo ko nalang yung buhok ko. Nakakabwisit!

"Trion ko, ano ba ang problema mo?" umiiyak na tanong ni Xena. Mas lalo akong nabwibwisit sa pag-iyak nya!

"SINABING WAG KANG UMIYAK EH!" malakas na sigaw ko. Mainit na nga ang ulo ko, dadagdagan pa nya.

"WAAAAAAAH! I HATE YOU TRION!" umiiyak na sigaw ni Xena tapos tumakbo na sya palabas. Hay nako.

Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog kaya lumabas na ako dito sa c.r.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Xena na nakahiga sa kama namin at umiiyak habang yakap-yakap yung isang unan.

Ngayon ko lang na-realize na maling-mali yung ginawa ko sa kanya kanina. Dapat hindi ko sya sinigawan. Ang tanga ko naman.

Nang makita nya ako ay agad nya akong tinalikuran. Tinabihan ko sya.

"Xena ko, sorry na." tapos niyakap ko sya kahit na sya ay nakatalikod.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon