ICY's POV
"Icy, nakikiusap ako sayo, lumayo ka kay Vester, masamang tao sya Icy! hindi sya mabuting tao! maniwala ka sakin please.." pagmamakaawa sa akin ni Silver.
"Hindi masamang tao si Vester." malamig na sabi ko, narinig ko na huminga sya ng malalim.
"Bakit mo ba pinagtatanggol si Vester? gusto mo ba sya?"nabigla ako dun sa huling tanong nya. Gusto ko ba si Vester? Hindi, never pa akong magkagusto kahit kanino.
"Hindi ko sya pinagtatanggol at lalong-lalo, hindi ko sya gusto. Sinasabi ko lang naman kung ano yung nakikita ko." paliwanag ko.
"Wag kang magpapaniwala sa mga nakikita mo dahil hindi lahat ng nakikita ay totoo."
"Alam ko naman yun eh atsaka wala naman akong sinasabing naniniwala ako." nakatingin lang sya sa akin kaya nagsalita ulit ako.
"Gaano ba kalaki ang galit mo kay Vester?" tanong ko. Nakita kong nagkuyom ang mga kamao nya.
"Mas malaki pa sa agwat ng langit at lupa." sagot ni Silver.
Seriously? ganon kalaki ang galit nya kay Vester? May masama bang nagawa itong si Vester para kamuhian sya ng ganito ni Silver? Masamang tao nga kaya si Vester? Pero kung masama nga sya, bakit? Masama ba yung tatay ni Vester? kasi sabi sa akin ni Vester kanina ay "Ang alam kasi ni kuya ay katulad ako ng daddy ko, pero ang totoo nyan, hindi. Hindi talaga..". Hay, ang gulo naman ng magkapatid na 'to, ang sarap nilang pag-umpugin.
"Paano mo nasabing masamang tao nga si Vester?" tanong ko pero hindi sya nakatingin sa akin kundi sa ibang direksyon.
"I-icy..." sabi ni Silver habang nakatingin parin sa ibang direksyon. Nakatingin lang ako sa kanya.
"I-icy, t-tara n-na.." tapos hinawakan nya yung kamay ko at humakbang paatras. Tinignan ko yung direksyon kung saan nakatingin si Silver.
O_____O
Si Lady in Black...
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
रोमांसSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...