44th Chapter "It Started With A Book"

5.6K 184 12
                                        

XENA's POV

"Ako ang nauna dito kaya akin 'to!"

"Hindi! Anong ikaw?! Ako kaya ang nauna kaya akin 'to!"

"Ah basta! Sa akin 'to!"

"Hindi nga! Sinabing sa akin eh!"

"Akin nga!"

"Akin sabi eh!"

Napangiti ako pero nakaramdam ako ng lungkot habang pinagmamasdan ko yung babae at lalaki na sa tingin ko ay mga teenagers palang na pinag-aagawan yung nag-iisang libro, sa ganyang sitwasyon kasi kami unang nagkita ni ano... ni Trion. Sobrang miss na miss ko na sya.

Tinanggal ko nalang yung tingin ko doon sa dalawang teenagers, baka mamaya ay lalo pa akong malungkot.

Namili nalang ako ng magandang libro dito sa bookstore. Iniwan ko nga pala sina Ally at Jasper doon sa Fun House, ang tatanda na nila mga isip bata parin sila! Hay nako, bagay nga sila.

At nang nakapamili na ako ng libro, kukunin ko na sana 'to pero may kamay na sumabay sa kamay ko na hawakan yung libro. Kaya tiningnan ko kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na yan.

dugdugdug..

Nagtagpo ulit ang mga landas namin ng dahil sa isang libro.

Nakatingin sya sa akin at ganun din lang ako sa kanya. Awkward.

G-gustong-gusto ko na sya ngayong yakapin tapos halikan dahil sobrang miss na miss ko na talaga sya pero hindi ko magawa, baka kasi sa aming dalawa, ako lang ang nakakaramdam nun.

Tumingin ako dun sa mga kamay naming nakahawak parin doon sa libro. Inalis ko yung pagkakahawak ng kamay ko tapos kinuha naman nya yung libro at nabigla ako nang ibigay nya sa akin ito.

"Sayo na yan, ikaw naman yata ang nauna." sabi nya sa akin tapos aalis na sana sya pero pinigilan ko sya at ibinigay sa kanya yung libro.

"H-hindi. I-ikaw ang nauna kaya sayo na yan." dati ay nag-aagawan kami sa nag-iisang libro, tapos ngayon naman ay nagbibigayan na. Tsk.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon