51st Chapter "TriZiCas Bros Part II

5.9K 183 6
                                    

MEGAN's POV

"Huhuhu a-ang l-lamig-lamig ng t-tubig. M-may araw din kayo sa akin mga k-kuya. H-humanda kayo." may pumasok na basang duck este pumasok ang basang-basa si Duck Lucas tapos nanginginig pa sya sa lamig.

"T-teka, b-bakit ang tahimik dito? A-atsaka b-bakit ka nandito S-silver? B-bakit ang sama ng t-tingin nyong d-dalawa ni Princess s-sa Meganphone ko?" nanginginig sa lamig na sabi pa ni Duck Lucas. Aww.. kawawa naman ang mahal ko.

Inabutan sya ni kuya Jazi ng malaking towel na may design na barney at agad naman itong ibinalot ni Duck Lucas sa nanginginig nyang katawan. Pagkatapos ay may ibinulong si kuya Jazi kay Duck Lucas. Sigurado ako na ang ibinulong ni kuya Jazi ay yung sinabi ko sa kanila kanina. Huhu ano kaya ang magiging reaksyon ni Duck Lucas?Magagalit din kaya sya tulad ng dalawa nyang mga kuya?

"Eh ano naman kuya? Malaki na si Princess. Atsaka tingnan nyo si Meganphone ko, magkasing edad lang sila ni Princess pero madalas na kaming maghalikan nyan. Five years old pa nga lang yan si Meganphone ko, may first kiss na yan eh! At sinong nakakuha? Syempre ako! Nakita nyo pa nga diba?!" proud na proud na sabi ni Duck Lucas. Feeling ko naman ay namumula na ako dito sa pinaghalong kilig at hiya! Kaya tumungo nalang ako at napakagat sa ibabang labi ko.

"Ibang kaso naman yan Lucas eh! Kayo na ni Megan kaya pwedeng-pwede nyo nang gawin yun! Eh sila Princess at Silver, hindi pa naman sila diba?!" sabi ni kuya Jazi. Napaka protective talaga nilang mga kuya kay Icy. Palibhasa, nag-iisang babae tapos bunso pa.

Nakita kong napaisip si Duck Lucas sa sinabi ni kuya Jazi.

"Eh kuya, hindi pa naman kami ni Meganphone noong kinuha ko yung first kiss nya ah?!" waaah! Duck Lucas naman eh! Talagang pinapaalala mo pa! Hindi ko na tuloy alam kung gaano na kapula ang pagmumukha ko ngayon. Hindi kasi yun yung kiss na smack lang, kundi tumagal pa yun ng mga three seconds!

"Mga bata pa kayo noon. Hin---" hindi na pinatapos ni Duck Lucas si kuya Jazi.

"Kuya, napakabata namin noon kumpara sa edad ngayon nila Princess at Silver." may point ang Duck ko dun.

"Kuya, wala naman akong nakikitang mali doon. Kahit hindi pa nila aminin ngayon, alam kong may nararamdaman na sila sa isa't-isa." sabi ni Duck Lucas na nag-ala love expert.

"Kuya Lucas!" nakasimangot na sabi ni Icy sabay cross arms.

"Tingnan nyo kuya yung kapatid natin, nasa denial stage palang sya. Pero hindi lang natin alam na unti-unti na palang tinutunaw nitong si Silver ang pusong yelo ni Princess. Diba Princess?" nakangiting sabi ni Duck Lucas.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon