XENA's POV
"HOY JASPER! NAKIKINIG KA BA?!" pambihira naman ang lalaking 'to! Kanina pa ako salita ng salita dito pero wala namang nakikinig.
"Ha? Anong sinasabi mo?" napa-face palm ako. Hindi nga sya nakikinig, lumilipad yung utak nya.
Ngayon nga lang ko ginanahan magkwento sa kanya simula noong dumating sya tapos ganito naman pala sya.
"Bakit ba kanina ka pang nakatulala?!" tanong ko. Mukhang may something sa utak nya eh!
"Huh? Hindi ako nakatulala ah!" sus! Hindi daw. Tsk.
Tumingin ako doon sa lugar kung saan sya nakatulala kanina.
"Anong meron kay Ally?" tanong ko tapos ibinaling ko ulit yung tingin ko sa kay Jasper na ngayon ay bumalik ulit sa pagkakatulala kaya naman binatukan ko sya.
"Aray! Bakit ka ba nambabatok?!" inis na sabi ni Jasper habang nakahawak pa doon sa batok nya.
"Ikaw! balak mo bang tunawin yung kapatid ko ng dahil dyan sa katititig mo?!" tinarayan ko sya. Hindi lang ito yung time na nakita ko si Jasper na nakatitig kay Ally kasi most of the time ko itong napapansin, ngayon ko lang pinuna si Jasper kasi para na ako ditong nakikipag-usap sa hangin.
"Hindi ko tinititigan si Ally." iwas tingin nyang sabi na para bang nahihiya pa. Natatawa tuloy ako sa mga ikinikilos ni Jasper.
"Sus! Hindi daw! Bistado na kita best! Lagi ko yang napapansin sayo!" pasalamat sya at hindi kami naririnig ni Ally, kung hindi ay kukulitin ng kukulitin na nya itong si Jasper. Kaya for now, ako muna yung mangungulit sa mokong na 'to. Mukhang may dapat yata akong malaman.
Hindi kami naririnig ni Ally dahil nakasuot sya ng earphones habang nagbabasa ng magazine. Nandito kami sa garden nakatambay, masarap kasi yung hangin atsaka pampawala na rin ng stress. Mag-isa lang si Ally doon sa kabilang table habang magkasama naman kami ni Jasper sa isang table.
Tumingin ulit ako dito sa katabi ko. Tsk tsk tsk..kahit kailan talaga ay patawa itong si Jasper. Tulala nanaman po sya.
"Hindi daw nya tinititigan si Ally." pagpaparinig ko kaya agad namang napatingin sa akin si Jasper. Binigyan ko sya ng isang nakakalokong ngiti.
"Ganda ni Ally noh?" nakangiting sabi ko kay Jasper. Saglit syang tumawa bago sumagot.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)