ANGEL's POV
Haist! Nasaan na kaya yung malandi kong kapatid?!
Hanap..
Hanap..
Hanap..
Sa wakas, nakita din kitang Gelo ka. Patay ka ngayon sa akin. Sinabing wag kang lumabas ng bahay para magchicks lang eh! Ang kulit talaga!
As expected, may kasama syang babae tapos nakaakbay pa sya dun sa babae. Kailan kaya yan magbabago? Kailan kaya sya magseseryoso?
Nilapitan ko silang dalawa ng babae nya. Gagawin ko ulit yung lagi kong ginagawa para layuan sya ng mga babae.
At nang malapitan ko na sila, agad akong nag-cling sa braso ng kapatid ko.
"Babe, who is she?" pa-sweet na tanong ko kay Gelo habang nakaturo pa doon sa babaeng kasama nya. Yeah right, lagi akong nagpapanggap na girlfriend ng kapatid ko, layuan lang sya ng mga babae. Kawawa lang kasi yung mga babae, lolokohin at paglalaruan lang sila ni Gelo.
Nabigla sya sa pagdating ko kaya tinanggal na nya yung pagkakaakbay doon sa babae.
"A-anong ginagawa mo dito at----" bago pa nya ako matawag na ate ay nagsalita na agad ako. Hindi pwedeng malaman ng babaeng kasama nya na kapatid nya ako.
"Babe! Ano ka ba? Tinatanong kita kung sino yang babaeng kasama mo?!" now, I am acting like a jealous girlfriend to my brother.
*pak!*
Nasampal sya nung babaeng kasama nya.
"How dare you! Ang sabi mo wala kang girlfriend!" sigaw nung babae kay Gelo tapos isang sampal nanaman ang natanggap nya. Pagkatapos nun ay nag-walk out na yung babae.
Hindi na sya nagtanda sa mga sampal na natatanggap nya! Namanhid nalang siguro yung mga pisngi nya.
"Ate naman eh! Ayan ka nanaman! Sinisira mo yung diskarte ko!" aba at ako pa ang mali ngayon huh!
"Mabuti sana kung naka-focus ka lang sa nag-iisang babae! Pero hindi eh! Halika na nga at umuwi nalang tayo!" tapos hinila ko na sya pero ayaw nya talagang sumama.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomansaSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...