ICY's POV
"Hi bayaw!" bati ni kuya Lucas kay Silver na sumulpot dito sa veranda.
Tumalikod nalang ako sa kanila. At dinama na lang ang masarap na hangin.
Nakatambay lang ako dito sa veranda kasama sina kuya Lucas at kuya Jazi.
Pero teka, nang-aasar nanaman ba itong si kuya Lucas? Tawagin ba namang bayaw si Silver.
"What brings you here, bayaw?" argrr!! Pati ba naman itong si kuya Jazi! Nakakaasar na talaga sila.
"Wala kuya, namiss ko lang si Icy." eh? Ang OA naman nito! Kakakita nga lang namin kahapon.
"Letse! Nakakabakla! Kinikilig ako sa inyo!" sabi ni kuya Lucas tapos rinig kong may hinampas sya.
"Wag mo nga akong hampasin! Bwisit ka ang sakit mong manghampas!" reklamo ni kuya Jazi. So sya pala yung hinampas ni kuya Lucas.
"Wag ka ngang bakla kuya! Mahina lang naman yun!" dipensa naman ni kuya Lucas. Pero hindi na sya sinagot ni kuya Jazi dahil ako na yung kinausap nya.
"Princess, may nakakamiss sayo." sabi sa akin ni kuya Jazi pero hindi ko sya pinansin. Bahala sila dyan. Basta ako, magpapakasarap lang sa hangin.
"Namimiss kita." may biglang bumulong sa tenga ko at siguradong si Silver yun. Nilingon ko sya at tinulak ng mahina.
"Hindi kita namimiss!" sabi ko tapos tinalikuran ko ulit sya.
"Hahaha ano yan? LQ?"tumingin ako kay kuya Jazi at nakita kong nakangisi sya. Agad ko nalang inirapan si kuya. LQ na pinagsasabi nya dyan.
Tumabi sa akin si Silver at inakbayan ako.
"May tanong ako sayo." bulong nanaman ni Silver. Pansin ko, ang hilig nyang bumulong.
"Ano yun?" mahinang sabi ko. Sapat lang yung boses ko para marinig ni Silver.
"You kissed me yesterday and that was very unexpected. So anong ibig sabihin nun?" kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakangisi sya. Mahina lang yung pagkakasabi nya, buti naman at mahina lang, kasi kung hindi ay siguradong lulunurin na ako nila kuya dito sa kanilang pang-aasar.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)