Sorry po kung na-late ang update.. :)
ICY's POV
"AYIEEEEE!!!"
Ayan agad yung bumungad sa amin ni Silver nang makapasok kami sa classroom. At ang masama pa, may teacher na. Late na talaga kami.
"Quiet!" pagpapatahimik ni Ms. Sy tapos ibinaling nya yung tingin nya sa amin. Sya ang teacher namin sa Economics.
"Ms. Montrey? Mr. Ceflando? Why are you late?" seryosong tanong ni Ms. Sy sa amin. Buti nalang at sya yung teacher namin ngayon, si Ms. Sy kasi ay kilala dito sa buong school bilang pinakamabait na teacher.
"Uhh...ano po...kasi.." tsk! ano ba ang sasabihin ko?
"Na-traffic po kami." dahilan ni Silver. Mukha namang naniwala si Ms. Sy dahil patango-tango pa ito.
"So, sabay pala kayong pumasok?" tanong ulit sa amin ni Ms. Sy.
"H-ha? ano po... ngayon lang po miss." sabi ko.
"Opo, simula po ngayon ay sabay na kaming papasok." letseng Silver na 'to! bakit pa nya kailangang sabihin?!
"YIEEEE!!" ayan nanaman.
Nilingon ko sya at binigyan ng masamang tingin. Tinignan lang nya din ako pero walang emosyon yung mukha nya.
"Ssshh! Quiet!" pagpapatahimik ulit ni Ms. Sy. Nang tumingin na sya sa aming dalawa ni Silver ay hindi na seryoso yung mukha nya dahil nakangiti na ito na parang nang-aasar. Tsk! pati ba naman kayo Miss!
Tapos ay bumaba yung tingin ni Ms. Sy, at doon ko lang na-realize na kanina pa pala magkahawak yung mga kamay namin ni Silver. Kaya agad ko naman binitawan yung kamay ni Silver at napatungo nalang dahil nakaramdam ako ng pagkahiya.
Narinig kong tumawa ng mahina si Ms. Sy tapos ay muli itong nagsalita.
"You two may now take your seats."
Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko ay nakita kong nakangiti ng mapang-asar sa akin yung mga kaklase ko, kaya ang ginawa ko nalang ay sinamaan ko lang silang lahat ng tingin.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)