XENA's POV
"Mom, ano po yang ginagawa nyo?" pag-uusisa ko sa aking mother-in-law na busy dito sa kanilang kitchen. Nakahalumbaba lang ako dito sa isang table habang pinagmamasdan si mommy.
"Gumagawa ako ng oatmeal ni Princess for breakfast. Gusto mo ba ipag-gawa din kita?" pag-aalok ni mommy sa akin.
"Wag na po. Thank you nalang po." pagtanggi ko. Ayaw ko naman kasi ng oatmeal although na favorite ko naman sya dati.
"Sigurado ka? Nako baka nahihiya ka lang? Wag ka ng mahiya, anak na din kita." hindi ko naman maiwasan na mahiya eh. Pero ayaw ko talaga ng oatmeal dahil iba ang hinahanap ko.
"Iba po kasi ang gusto ko eh." bigla tuloy akong nagutom nang maalala ko yun.
"Anong gusto mo anak? Sige magsabi ka lang." nahihiya talaga ako eh kaso naman bigla akong nagutom.
"Gusto ko po ng pancake." hehe tapos lalagyan ko ng maraming-maraming ketchup. Naiisip ko palang, takam na takam na ako.
"With ketchup?" nakangiting tanong ni mommy. Hehe ang galing! Paano nya kaya nalaman?
"Of course, mom! Ang galing nyo talaga!" masayang sabi ko. Excited na ako eh. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain ng ganun.
"Sabi na nga ba eh! Tama nga si Trion, gustong-gusto mo nga ng pancakes na may ketchup. Teka, nasaan na yung asawa mo? Natutulog pa ba?" kaya naman pala alam ni mommy ay dahil naikwento sa kanya ni Trion.
"Ayun, katutulog lang po." malungkot na sagot ko. Kakaawa naman kasi ang lalaking yun.
"Ha?! Anong ginawa nya magdamag at bakit ngayon lang sya natulog?!" gulat na tanong ni mommy.
"Binantayan nya ako magdamag, baka daw po kasi may kumuha nanaman sa akin." kaya ang pangit na ng lalaking yun eh. Pinapabayaan na nya yung sarili nya ng dahil sa akin. Syempre ayaw ko naman na tuluyan na nyang mapabayaan ang sarili nya dahil mag-aalala ako.
Napagdesisyonan ni Trion na dito muna kami sa kanila tumira hanggang sa manganak ako. Para daw marami akong kasama at mas safe. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag dahil para naman ito sa ikabubuti ng baby namin.
"Masisisi mo ba yang si Trion? Mukhang na-trauma na nga yan sa nangyari sayo eh." kahit naman ako, parang matra-trauma na din. Ayoko ng bumalik sa puder ni Charm, masyado na syang nakakatakot. Demonyo talaga sya.
Inilapag ni mommy yung tray na may laman na bowl ng oat meal, egg sandwich, at tig-isang baso ng gatas at tubig na may katabing mga gamot.
"Anak, ano ba talaga ang nangyari sayo? Paano ka nakabalik? Paano mo natakasan si Charm?" tanong ni mommy habang nakahawak sa dalawang kamay ko.
Simula ng bumalik ako, ilang beses na nila akong tinanong ng mga ganyan pero ni-isa ay wala akong sinasagot. Hindi ko kasi alam kung paano magpaliwanag sa kanila at kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang katotohanan o hindi. Napakahirap sa part ko ang ikwento yung mga nangyari lalong-lalo na yung parte na papiliin ako ni Charm sa pagitan ni Princess at ng anak ko. Ayoko namang mag-kwento sa kanila ng kasinungalingan kaya mas pinili ko nalang na isara ang bibig ko sa mga bagay na yan.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomansSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)