ICY's POV
"Good morning!" Bati sa amin ng security guard nang makarating kami ng bestfriend ko na si Megan sa gate ng school namin.
"Good morning din po, Manong guard!" Masayang bati naman ni Megan doon sa security guard.
Tinignan ko yung security guard at inikot ko lang ang mga mata ko. Hay, bakit ba ang hilig ng mga tao mag-aksaya ng oras para batiin ang isa't-isa?
Sabay namin ni Megan inilapag ang aming mga bag doon sa table ng security guard para ipacheck ang mga laman nito kaya ipinasok ng security guard yung stick na hawak nya sa mga bag namin para kalkalin. Nang wala naman nakitang mali sa loob ng mga bag namin ay pinapasok na kami.
"Okay mga ihja, enjoy your first day of school!" Sabi sa amin ng security guard.
"Kayo din po, Manong guard! Enjoy po kayo sa pagtusok-tusok ng mga bags naming mga students! Hihihi.." Sagot naman ni Megan at natawa naman yung security guard.
Nag inhale-exhale muna ako for five seconds dahil pakiramdam ko parang maiistress na ako.
"Hi, miss beautiful!" May isang lalaki ang biglang sumulpot sa harapan namin.
"Hello rin sayo! I know na I'm beautiful but thank you for noticing!" Hays, alam ko na sobrang friendly na tao itong bestfriend ko na si Megan at wala naman akong problema doon dahil sanay na naman ako sa kanya. Pero sana naman malaman nya na hindi requirement ang kausapin ang lahat ng tao! Tsk, nagsisimula na akong mairita.
"Oh? Sorry miss pero hindi ikaw yung kausap ko kundi yang kasama mo." Tumingin yung lalaki sakin at ngumiti ng malapad para ipakita ang ngipin niya na hindi pantay-pantay.
I closed my eyes and massaged my temples. Hindi pa nangangalahati ang araw ko pero naiistress na ako!
Magsasalita pa sana si Megan pero hinila ko na siya at naglakad na kami ng mabilis papunta sa classroom namin.
Nang makarating na kami sa classroom ay wala pa masyadong students sa loob kaya pagkakataon namin ni Megan na makapili ng magandang seat.
Maya maya ay unti-unti na napuno ang classroom and then narinig ko ang ring ng bell which means it's already time to start our first meeting for today.
Pumasok na sa aming classroom ang isang middle aged man wearing a professional attire. Well, it's obvious na siya ay isang teacher.
"Goodmorning class! Let me first introduce myself, I am Mr. Luis Lim and I will be your homeroom teacher and class adviser for the whole school year." Nakangiting bati sa amin nung teacher na pumasok.
"Now you guys are already on your senior year, right?" Tanong niya sa amin.
"Yes, sir!" Sabay-sabay na sagot ng mga kaklase ko, of course kasama na dun si Megan.
Me? Well, don't ever expect me to join them. It's not my thing.
"Well, kahit na nasa senior year na kayo and I know na most of you ay magkakakilala na.." Our teacher paused at nilibot nya ang kanyang paningin sa amin.
"But I see that some of you are new faces which I bet are transferees. So we'll still be doing that traditional during the first day of school which is introducing yourselves." Our teacher continued. Yeah, Megan and I are one of those new faces. We're both transferees in this school.
At nagsimula na ang isa-isa na pagpapakilala hanggang sa makarating na kay Megan.
"Hello everyone! The pretty girl standing here is Megan Miel Dalton! I am 16 years old and you can call me Megan for short. I'm a transferee here together with my prettiest bestfriend beside me.." Tumingin sakin si Megan at ngumiti. Hay, kahit kailan talaga. She's so extra. But I love my bestfriend despite of our opposite personalities.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)