LUCAS' POV
*ding-dong*
Narinig ni Princess yung tunog ng doorbell kaya papunta na sya sa labas para pagbuksan yung nag-doorbell pero pinigilan ko sya.
"Princess, ako na.." pigil ko, baka kasi mamaya kung sino nalang yung nag-doorbell, imposible naman na si Megan, dahil kapag si Megan yun, hindi yun nag-dodoorbell, basta nalang yun papasok sa gate tapos saka sya kakatok sa main door ng bahay namin.
Kadadating lang pala namin galing kina ate Xena. Na-badtrip nanaman si kuya Jazi kay ate Ally, kaya ayun si kuya Jazi, dumiretso sa kwarto nya at natulog pagkadating na pagkadating namin.
"Okay kuya.." sagot ni Princess, kaya lumabas na ako.
Nang mabuksan ko na yung gate ay nanlaki ang mga mata ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, akala ko ay hindi na sya magpapakita.
Isang napakaganda, mahinhin at maamong babae ang nasa harapan ko ngayon. Masasabing hindi nagbago ang itsura nya mula noong huli namin syang nakita.
"Hi Lucas, long time no see.." nakangiting sabi nya tapos nag-bow sya sa harapan ko.
"H-hello a-te---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Princess.
"Kuya Lucas, bakit ang tagal mo dyan? sino ba ya--Oh my god.." napatakip ng bibig si Princess nang makita nya kung sino yung nag-doorbell.
"Hello Princess!" nakangiting sabi nya kay Princess habang kumakaway.
"OMG, kuya should know this.." sabi ni Princess tapos tumakbo sya sa loob ng bahay. Alam ko kung sinong kuya ang pupuntahan nya.
ICY's POV
(A: Play nyo yung multimedia sa side bago magpatuloy sa pagbabasa.. ^_~)
Now Playing: The Man Who Can't Be Moved by The Script
Sa loob ng napakahabang panahon ay hindi ko akalaing makikita ulit namin sya.
"Oy Princess saan ka pupunta?" usisa sa akin ni kuya Trion, napansin nya sigurong nagmamadali ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/11614627-288-k540644.jpg)
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...