60th Chapter "Truth Hurts"

4.6K 182 43
                                    

ICY's POV


"Let us forget each other."pagkasabi ko nyan ay mabilis akong lumakad palayo. Kanina pa akong naiiyak pero pinipigilan ko. Ayokong umiyak. Hindi ko dapat iyakan si Silver.



"Icy! Sandali lang!" mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko. Sinusundan ako ni Silver. Tsk, para saan pa?



"Icy! Saglit lang!" may humila sa kamay ko at si Silver yun. Naabutan nya ako.



"Bitawan mo ako!" sabi ko tapos ay hinila ko ng malakas yung kamay ko mula sa kanya kaya nabitawan nya ito. Tinalikuran ko sya at naglakad muli ng mabilis.



Pero nabigla ako nang tumakbo sya dito sa harapan ko tsaka lumuhod.



"Icy, I'm sorry." nakatungong sabi nya habang nakaluhod.



"Apology accepted but let us now forget each other." aalis na sana ako at magpapatuloy sa paglakad pero niyakap naman nya ang mga binti ko.



"Hindi ko kaya Icy, I love you." bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin nyang "I love you". Gusto ko syang sagutin ng "I love you too" pero hindi ko yun pwedeng gawin kasi nga kakalimutan ko na sya.



"Kayanin mo. Tsk! Bitawan mo nga ako!" binitawan nga nya ang mga binti ko pero agad naman syang tumayo at niyakap ako ng mahigpit.



"Silver! Ano ba?!" nagpupumiglas na ako pero ayaw parin nya akong bitawan.



"Icy, mahal mo rin ba ako?" natigilan ako doon sa tanong nya.



"Icy, mahal mo rin ba ako?" pag-uulit nya. Ayokong sumagot kaya itinikom ko nalang ang bibig ko.



"Kung oo ang sagot mo, tatanggapin mo parin ba ako?" medyo naguluhan ako sa sinabi nya. Tatanggapin? Ano ba ang meron sa kanya?


"A-ano ang ibig sabihin mo?" naguguluhang tanong ko.



"Kasi Icy, m-may....may.."



"Ano Silver? May ano?" sobrang na-cucurious na ako sa gusto nyang sabihin. Tinanggal nya yung pagkakayakap nya sa akin at hinarap ako.



"Icy, y-yung kausap ko sa phone.." nakita kong may tumulo na luha mula sa mata nya. Ano ba kasi ang meron?!

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon