ICY's POV
Nandito na ako sa bahay. Kararating ko lang galing school.
Hay, ano kayang nangyari kay Silver? hindi kasi sya pumasok eh. Isa pa itong si bi, dinapuan pa kasi ng lagnat kaya ayan tuloy hindi din nakapasok. I don't like this day, psh.
I decided to visit my bestfriend now.
"Princess, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni kuya Lucas na napansin akong papalabas sa main door ng bahay namin.
"Dyan lang kay bi kuya.." sagot ko kay kuya Lucas tapos pinihit ko na yung door knob para mabuksan yung pinto pero nagsalita ulit si kuya Lucas.
"Diba usually si Megan yung pumupunta dito? bakit ikaw ngayon yung pupunta sa kanya?" tanong ulit ni kuya Lucas, naisipan kong asarin sya. Hahaha.
"Bakit kuya? gusto mo si bi yung pupunta dito para hindi mo mamiss?" tanong ko habang nakangiti ng nakakaloko.
"H-ha? H-hindi ahh! parang nagtatanong lang!" tapos nag-pout pa ang loko kong kuya. Psh, ang laking tao, nag-popout? haha ayos lang, cute naman si kuya eh.
"Ahh okay.." sabi ko nalang tapos binuksan ko na yung pinto. Lalabas na sana ako pero nagsalita nanaman si kuya Lucas.
"Oy Princess.." tawag ni kuya Lucas.
"Ano nanaman ba kuya?" inis na tanong ko. Nakukulitan na kasi ako kay kuya eh!.
"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko.."
"Anong tanong kuya?" gusto ko na talagang pumunta kay bi, pero natatagalan pa ako dahil dito kay kuya Lucas.
"Yung ano...bakit nga?" kamot ulong tanong ni kuya,ahh alam ko na, pero gusto kong...
"Kuya, kung gusto mo ng malinaw na sagot, linawin mo yung tanong mo.." seryosong sabi ko. Gusto ko kasi kapag may nagtatanong sa akin ay malinaw yung pagkakasabi ng tanong.
"Hindi pa ba malinaw yung tanong ko kanina?" uhm..malinaw naman kuya pero..
"Paki ulit nalang po kuya.." nakangiting sabi ko. Haha.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)