TRION's POV
Pagkapasok ko sa bahay namin ay nakita ko si Silver na papalabas naman ng bahay. So, binantayan talaga nya si Princess, talaga ngang may gusto ang lalaking 'to sa kapatid ko.
"Silver, kamusta si Princess?" tanong ko nang makasalubong ko sya.
"Mukhang okay na naman sya kuya Trion. Dumating na pala sina kuya Jazi at kuya Lucas kaya aalis na ko kasi may kasama na si Icy." maglalakad na sana si Silver papalabas pero pinigilan ko sya sa pamamagitan ng paghawak ko sa kanyang braso.
"Teka lang." sabi ko tapos binigyan nya ako ng tingin na nagtatanong ng bakit.
"Sigurado ka bang binantayan mo lang si Princess?" seryosong tanong ko kay Silver habang diretsong nakatingin sa mga mata nya.
"O-opo kuya." parang natatakot na sya nang sumagot sya.
"Anong ginagawa ni Princess habang binabantayan mo sya?" tanong ko ulit.
"A-ano.. natutulog."
"Eh ikaw?"
"N-nakatulog na din ako k-kuya."
"Saan ka nakatulog?"
"D-dun di p-po sa kwarto ni Icy." pagkasagot nya nun ay pinanlakihan ko sya ng mata.
"D-don't worry k-kuya, h-hindi kami magka...m-magkatabi. D-dun lang ako sa couch." nakakatawa yung itsura ngayon ni Silver. Takot na takot sya sa akin. Sorry naman, protective kuya lang. Patay sa akin 'tong lalaking 'to kapag may hindi maganda syang ginawa sa kapatid kong babae. Pero alam kong hindi nya yun magagawa, dahil nakausap namin sya nina Jazi at Lucas ng masinsinan bago pa man sya makapanligaw kay Princess.
Pero sa lagay ko ngayon, wala akong ganang tumawa.
"Mabuti na yung malinaw." malamig na sabi ko.
"Kuya Trion, ayos ka lang ba?" biglang tanong ni Silver.
"Bakit mo naman natanong?" tanong ko din.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...