78th Chapter "Her Story"

4.3K 153 9
                                    

CHARM's POV

"Its been thirteen years from now since that plane accident happened. Well, it is not really an accident dahil sinadya pala ang lahat ng yun."


"Sinadya? Sinadya nino?" tumingin ako sa nagtanong na si tita Queen.


Pinapasok ako nila kuya Trion dito sa bahay nila pero kitang-kita parin sa mga mata nila ang pagdududa. Nandito ako ngayon sa living room nila at nandito din silang lahat para pakinggan ang mga sasabihin ko.


"My mother's side, tita..." lumunok muna ako dahil mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.


"...the Elvenos.." ayokong makaramdam ng galit pero hindi ko maiwasan, dahil yun ang nararamdaman ko sa mga Elvenos. Sila ang dahilan kung bakit naging masama ang kakambal ko. Sila din ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang namin. Gusto ko silang patawarin pero paano? Hindi ganon kadali ang patawarin sila at kalimutan nalang ang lahat.


"Elvenos?" tanong ni Megan tapos nilingon nya si Princess.


"Bi, hindi ba't Elvenos ang apelyido ni Vester?" nagulat ako sa itinanong ni Megan kay Princess. Kilala nila si Vester?


"I'm not sure bi. Kay Silver lang ang alam ko which is Ceflando." sagot ni Princess. Silver? Yung kapatid ni Vester sa ina?


"Megan, are you reffering to Vester Ryan Elvenos?" tanong ko kay Megan. Napaisip naman sya at mayamaya'y nanlaki ang mga mata.


"Oo ate Charm! Kilala mo sya?!"


"He's my cousin. Magkapatid ang mom ko at ang dad nya." kinabahan ako nang malaman ko na kakilala nila ang anak ni tito Vesterio.


"What?! Mag--m-mag-pinsan kayo ni Vester?!" gulat na gulat ang reaction ni Megan habang si Princess naman ay natulala lamang. Tumango lang ako kay Megan at tinanong sya..


"Oo, bakit mo kilala si Vester?"


"Crush ko---e-este schoolmate at friend namin sya ni bi. Tapos kapatid sya ng boyfriend ni bi. Tapos mabait sya. Tapos gwa----"


"Layuan nyo sya. Layuan nyo si Vester." pagpuputol ko sa sinasabi ni Megan.


Hindi naman sa hinuhusgahan ko si Vester na masama din katulad ng dad nya. Mas mabuti kasi yung nag-iingat kaya sinabihan ko silang lumayo Vester.


"Bakit naman, ate Charm? Mabait naman sya eh." pagdidipensa ni Megan kay Vester.


"Tsk." nag-de kwatro si Lucas at isinandal ang sarili sa couch. Mukhang hindi maganda ang mood nya.


"Yeah, bi's right." sabi naman ni Princess.


"Pati ba naman ikaw Princess?! Ano bang meron sa Vester na yan?!" bulyaw ni Lucas. Mukhang galit na sya at kanina pang naiinis.


Pero bago pa man makasagot si Princess kay Lucas ay inunahan ko na syang magsalita.


"Wag kayong magpakasigurado na mabait talaga si Vester. I know the Elvenos very well and most of them are great pretenders. They pretend in order for them to get what they want, because Elvenos believe that what they want is what they get." basta gusto nila, kahit na maling paraan ay papatulan nila. Hindi ko alam kung isa bang mabait na tao o isa ring masamang tao ang pinsan kong si Vester. Hindi ko naman kasi sya nakasama ng kahit na minsan. Hindi ko nga alam kung kilala ako ni Vester.


[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon