33rd Chapter "Paper Airplane"

6.1K 233 11
                                    

MEGAN's POV

Bakit kaya napakadaming nagkukumpulang mga estudyante sa harapan ng bulletin board? Ano kayang meron?

At dahil super nacu-curious na ako ay nakipagsiksikan ako doon hanggang sa makapunta na ako sa unahan at tumambad sa harapan ko yung malaking bulletin board.

Sobrang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Princess Icy Montrey: Daughter of a killer...

Her father killed my parents four years ago. And my two eyes saw that incident.

This is just a warning. So stay away from her.

-Anonymous

No. Tito Em is not a killer. This is just a very big lie. Alam ko na kung sino man ang gumawa nito ay gusto lang siraan si Icy, kaya gumawa sya ng ganitong kwento para sirain ang image ni Icy. Nakakasiguro ako na ang 'Anonymous' na yan ay walang iba kundi si Lady In Black. Pero sino ba si Lady In Black? Bakit nya ginugulo yung buhay ng bestfriend ko?

Naririnig ko yung mga iba't-ibang panghuhusga kay Icy ng mga estudyanteng nasa likuran ko. How dare them to judge my bestfriend! Ng dahil lang sa isang walang katotohanang note na yan ay kung anu-ano na lang ang mga panghuhusgang sinasabi nila. Hinarap ko silang lahat.

"Walang katotohanan ang nabasa nyo! I know Icy's family too well! Hindi yan magagawa ng daddy ni Icy! Walang masamang tao sa pamilya nila!" pero sa itsura nila ngayon ay parang mas pinapaniwalaan pa nila yung nakasulat kaysa sa sinabi ko.

Maya-maya ay nakita kong umatras yung mga estudyanteng nasa harapan ko.

"Bi? Anong nangyayari?" lumingon ako at nakita ko si Icy na takang-taka ang pagmumukha. Nakita ko naman na nasa likuran lang ni Icy si Silver.

"Ano kasi.." hindi ko na itinuloy yung sasabihin ko dahil tumingin na sya doon sa bulletin board.

"That's not true." punong-puno ng coldness yung boses ni Icy.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nakita ko nalang na duguan ang kamay ni Icy at punit-punit na yung malaking papel kung saan nakasulat yung note. Nabakasan ng dugo yung papel na ngayon ay nasa sahig at punit-punit na.

Natatakpan kasi ng isang transparent glass yung bulletin board at naka-lock pa ito. Kaya buong lakas na sinuntok-suntok ni Icy yung transparent glass hanggang sa mabasag na ito. At nang mabasag na ito ay kinuha na ni Icy yung papel mula sa loob at pinunit-punit na ito.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon