30th Chapter "Jealous"

6.5K 232 3
                                        

ICY's POV

"Bi, may hindi ka sinasabi sa akin." sabi ko kay Megan. Kakaiba yung kilos nya simula kahapon.

"H-ha? A-ano kasi bi. Ahh w-wala pala." hindi pa sya makatingin sa akin ng diretso.

"Ano yun?" tanong ko ulit pero umiling lang sya.

"Nakakatampo ka, naglilihim ka na sa akin." nakasimangot kong sabi. "Akala ko ba walang lihiman." dagdag ko pa.

Uminom muna sya tapos huminga ng malalim. Nandito kami ngayon nakaupo sa loob ng canteen. Katatapos lang namin kumain ng lunch.

"Sorry bi huh. Nahihiya kasi ako eh. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin." nakatungong sabi nya. So may hindi nga sya sinasabi sa akin.

"Ano ba kasi yun?" pangungulit ko.

"Kasi ano...aish! Wag na please, nahihiya talaga ako bi." tapos tinakpan nya ng mga kamay nya yung mukha nya.

"Ikaw nahihiya? Bi, alam kong wala ka nun kaya sabihin mo na."

"Bi, ayaw ko. Nahihiya talaga ako sayo." huh? Nahihiya sya sa akin? Imposible naman yun.

"Bakit ka ba kasi nahihiya?"

"Kasi buti sana kung ibang tao pero kapatid mo yun bi eh! Kapatid mo!" hindi ko na tinanong kung sinong kapatid ko. Dahil alam kong si kuya Lucas yung tinutukoy nya.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Lucas. May phone na ulit si kuya pero hindi ko na sya nakikitang may katext o may katawagan. Sa totoo nga lang, pakalat-kalat palagi sa bahay yung new phone nya. Hindi tulad nung dati nyang phone na halos hindi na nya mabitaw-bitawan.

"Uy bi! Sino yang tinatawagan mo?" tanong ni Megan nang makita nyang inilagay ko sa aking tenga yung phone ko. Hindi ko nalang sya sinagot at hinintay ko nalang na sagutin ni kuya Lucas yung tawag ko.

[Oh Princess, bakit ka tumawag?] bungad ni kuya Lucas.

Lumayo ako ng konti kay bi, baka kasi mamaya kapag nalaman nyang si kuya Lucas yung kausap ko ay pipigilan nya ako kaya mabuti nang sigurado.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon