18th Chapter "Manliligaw?"

8K 307 24
                                    

ICY's POV

"Bi bakit nga pala hindi ka nagsasara o kaya nag-lolock ng mga pinto mo dito sa bahay? Tsk tsk tsk..dalikado yan bi, nag-iisa ka pa naman." naalala kong itanong. Nandito parin pala ako sa bahay nya.

"Ano ka ba bi! kung meron mang masamang tao ang magtangkang pumasok dito, kayang-kaya ko yan!" hay nako, bukod pa kasi sa mayroon syang malakas na boses, marami din yang alam na martial arts.

"Kahit na bi! don't be too confident! dapat nag-iingat ka parin. Lalo na ngayon oh, paano nalang kung may pumasok ngang masamang tao tapos ganyan yung lagay mo? do you think na kakayanin mo parin ba?" natahimik naman sya saglit pero nagsalita ulit.

"Tss..oo naman bi! ako pa! atsaka kung nagsara nga ako, nakapasok ka ba?" sabi nya.

"Edi buksan mo!"

"May sakit nga ako diba? paano kung tulog ako? o kaya sobrang sama ng pakiramdam ko? do you think na kaya kitang pagbuksan?" sabi nya with matching taas ng kilay. Tinaasan ko rin sya ng kilay.

"Eh paano naman kung tulog ka nga tapos sobrang masama nga ang pakiramdam mo? tapos may biglang pumasok dito na magnanakaw? sigurado ka bang mapapatumba mo yun?" sabi ko naman. Natahimik ulit sya.

"Ehhhh..oo na bi! oo na, mag-iingat na ako next time. Ito namang bestfriend ko, masyadong nag-woworry. Hay, kaya mahal na mahal kita bi eh!" tapos biglang yumakap si bi.

"O-ouch!" daing ko. Nadali nya kasi yung sugat sa braso ko.Agad naman akong napahawak dun sa braso kong may nakatali na panyo.

"Teka lang bi, ano yang nasa braso mo? bakit may nakataling panyo?" tanong ni bi sa akin.

Napansin nya yung panyong tinali kanina sa akin ni Vester dahil dun sa ginawa sa akin ni lady in black.

"Ah ito ba? nasugatan gawa ni---" nagsalita agad si bi.

"What?! oh my gosh your beautiful skin!! sinong may kagagawan nyan?!" sabi ni bi na may nag-aalalang itsura habang nakatingin dito sa braso kong may nakatali na panyo.

"Ano ka ba bi! wag ka ngang mag-react ng ganyan! malayo naman ito sa bituka, kaya don't worry." paano ba naman? kung makapag-react kasi sya ay kala mo sagad hanggang buto itong sugat ko.

"Kahit na bi! sugat parin yan! sino ba ang may gawa nyan?" tanong ulit nya. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon