XENA's POV
Tinignan ko yung kaliwang kamay ko na pawis na pawis. Hindi ko alam kung ilang oras nang nakahawak dito sa kamay ko si Trion.
"Uhh Trion ko, wala ka bang balak na bitawan ako?" tanong ko sa asawa ko na diretso ang tingin sa daan habang nagmamaneho.
Tumawa sya kaya kumunot ang noo ko. Pawis na pawis na nga yung kamay ko nagagawa pa nyang tumawa. Hmp!
"Bakit ko naman gagawin yun?" natatawang sabi nya.
"Pawis na pawis na yung kamay ko oh. Atsaka baka kung ano ang mangyari sa atin dito, isang kamay lang ang gamit mo sa pagdri-drive." medyo naiinis na sagot ko.
"Sorry ah? Natatakot na kasi ako, baka mamaya bigla na nalang ulit mawala sa akin." sabi nya at binitawan na nya yung kamay ko. Agad ko namang pinunasan ng panyo yung palad kong pawis na pawis.
May bigla akong naalala doon sa sinabi ni Trion kaya bigla akong nalungkot, kinabahan, at natakot. Itinungo ko nalang ang ulo at kahit anong oras ay tutulo na ang mga luha ko.
"Xena ko, may problema ba?" napansin ni Trion ang pagtunggo ko kaya nagtanong sya.
Umiling lang ako at sinabing...
"W-wala, ang pangit mo lang kasi." totoo naman kasing ang pangit nya, hindi na sya gwapo katulad ng dati. Namayat na sya, ang laki ng mga eyebags, tapos hindi pa nag-aahit! Pero sabi ni Ally, mas pangit daw si Trion noong nawawala ako. Hays.
"Hayaan mo at magpapagwapo na ulit ako dahil nandito ka na." nakangiting sabi nya sabay kindat sa akin. Eww pangit.
"Wag na Trion, para wala nang magkagusto sayo at akin ka lang." naisip ko na mas maganda kung mananatiling pangit si Trion. Mahal ko sya kahit na pangit sya. At akin lang ang pangit na 'to.
"Hehe ganun ba, Xena ko? Pero sayo lang naman talaga ako habang-buhay. Atsaka hindi ako makakapayag na masapawan ako sa kagwapuhan nina Jazi at Lucas. Kahit anong mangyari, ako parin ang pinakagwapo sa aming tatlo." kumindat ulit sya sa akin. Tss ang laki-laki ng eyebag sa mata, ang lakas ng loob kumindat.
Sya lang naman talaga ang pinakagwapo sa kanilang tatlong magkakapatid na lalaki dahil pangit na naman yung dalawa. Pero ngayon, pangit na rin si Trion kaya wala ng gwapo sa kanila.
And speaking of.... Narinig kong binanggit nya yung pangalan ni Jazi kaya bigla akong nalungkot.
Tinititigan ko lang si Trion habang pinag-iisipan ko kung dapat ko na bang ipaalam sa kanya yung tungkol kay Jazi pati na din kay Megan.
Kaso wag na pala muna dahil baka lalo lang syang pumangit. Kawawa naman.
Tumingin ako sa bintana at hinawakan nalang yung tyan ko.
Kamuntik nang mawala sa amin ni Trion yung baby namin, mabuti nalang at agad na naagapan. Hinding-hindi ko na yun hahayaang mangyari dahil gagawin ko ang lahat para masilayan ng anak ko ang mundo.
"Mrs. Montrey, you only have four remaining days to do and finish your work." narinig kong magsalita si Charm mula dito sa earpiece na nakakabit sa kanang tenga ko.
"Xena ko, baba na. Nandito na tayo." hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila. Nakabukas na yung katabi kong pinto at nakalahad sa akin yung kamay ni Trion.
Nanatili lang akong naka-upo dahil kinakabahan at natatakot ako. Tumingin ako kay Trion tapos tumingin din ako doon sa bahay nila.
FLASHBACK
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)